Chapter Ninety-Eight

1.1K 25 0
                                    

Ivan's POV

Matapos kong mawindang sa nangyari samin ni Cath,

Ay pagkaalis niya para daw ayusin yung "kasal" namin at panagutan ko "daw" siya,

Ay agad kong tinext si Cass para makipagkita sa kanya.

Gusto ko siyang itanan.

Hays.. Bakit ko ba kasi hinayaang mawala pa siya sakin? Tuloy, ako na ang naghahabol ngayon.

Tsk.

Kaya lang, pagdating ko sa may park, ay may nadaanan akong babae at teka!! Bakit nya kasama yang mga anak ko?!

Hahahaha feeling ampotek.

Huminto sila sa harap ko. Sina Mimi at Wiwi, nakangiti lang sakin.

"Salamat sa pag-alaga sa mga pamangkin ko ah? Pero, mabuti man ang iyong puso, hindi nun matatakpan ang pagkakamaling ginawa mo sa nakaraan."

HUGOT !??! ANG LALIM! DI KITA MA-REACH! HAHAHAHA

"Um...sorry ha? Gusto ko sanang makipag-balagtasan pa sayo, pero may kelangan pa akong puntaha---"

"Umalis na siya."

Nagulat ako sa sinabi niya, pero bago pa ako makapagsalita, ay umalis na sila.

Para naman akong natanga.

Dapat ba...hindi ko na habulin pa si Cassie? Tsk.

SABI NINO?!

AKIN LANG SI CASSIE, AT PARA MAPASIGURADO AKO, AY ITATANAN KO SIYA! ITATAKAS KO SI CASSANDRA!

At saka, pano naman ako makasisigurado na totoo yung sinasabi niya?!

Tumakbo na ako papunta sa may pwesto kung saan alam kong lagi siyang nauupo, ay wala talagang Cassie na nandun.

"Pakshet. Baka late lang siya?"

Kaya naman, umupo na lang ako dito at hinintay siya. Hihintayin ko na lang si Cassie dito.

Alam ko naman na darating din yun.

Wala akong pakd kung abutin man ako ng magdamag sa lecheng park na ito.

***

✔ The Day My Ex Returned [A Filipino Novel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon