Chapter Eighty-Six

1K 27 0
                                    

Cassie's POV

Lagot.

Patay.

RIP, Cassandra Montez.....

Ang sama ng tingin ni Carl. Mukha siyang mananakmal anumang oras. Tapos, unti-unti siyang lumapit sa amin.

Nakatayo na kami ni Ivan, at medyo hinila ako ni Ivan para pumwesto sa likod niya.

Nakasimangot na ngayon si Carl.

"Cassie....anong oras na, babe? 12 midnight na. Wag mong sabihing, kelangan pa kitang sunduin, Cinderella?" Ang pait ng pagkakasabi ni Carl. Tsk! Durog na puso ko...

"Umalis ka na nga!" Sigaw ni Ivan na galit na rin.

"Si Cassandra ang kinakausap ko, at HINDI IKAW!!"

At nagulat na lang ako nang sinuntok ni Carl si Ivan at napatumba ito sa sahig...

May dugo pa siya sa labi.

Napaatras ako,

Tiningnan ko si Carl, ang sama ng tingin sa akin.

"C-Carl, I-I can exp----"

"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo." Pagkatapos, ay hinawakan na niya ako sa braso.

At ang sakit ng pagkakahawak niya.

"Aray! Carl, tama na!"

"ANONG TAMA NA? MANAHIMIK KA!"

At kinaladkad na niya ako paalis, pero nagulat na lang ako nang hinawakan ni Ivan ang kamay ni Carl na nakahawak sa akin.

"Hoy! Ganyan ba tratuhin ang babae?!" -Ivan

Napa-snort si Carl.

"At ganyan ba umasta ang EX?"

Natatakot na ako. Nag-iba si Carl...

Hindi na siya yung mabait na Carl na nakilala ko.

Hindi ang nakikita ko ngayon, ang lalaking mahal ko.

Anong nangyare?

***

✔ The Day My Ex Returned [A Filipino Novel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon