Cassie's POV
Nakakainis na talaga siya!
And no, I'm not referring to my messed up ex boyfriend anymore.
Hindi si Ivan, kundi si Carl ang problema ko!
Dapat kanina pa siya nandito eh. Alam niya namang first anniversary namin ngayon, baka di parin siya dumarating? He just promised me a date earlier at wala akong planong sayangin ang hair and make up ko. Peste naman.
Nahiga na lang ako sa kama. Inaalala ko ang lahat na nangyari these past few days. Lately, mas naging distant kami ni Carl sa isa't isa. Alam mo yung, 'so close, yet so far' feeling? Yung katabi mo na nga siya, pero pakiramdam mo wala naman sa'yo ang presensiya niya.
And I don't want that.
Hindi ako martyr; pero hindi ko rin naman hahayaan na mawalan ng saysay ang ipinaglalaban ko.
Mai-text ko na nga. I fetched out my phone and went straight to my messages icon.
To: Carl
Hoy, lalaki! San ka na? kanina pa ako naghihintay dito sa bahay! Akala ko magde-date tayo?!
✔ Message sent.
After that, I laid on my bed and waited. Tanging ang nakakairitang 'tic-toc' sound lang ng lecheng orasan ang naririnig ko.
Pero makalipas yata ng 4 hours 24 minutes at 15 seconds wala pa ring reply.
Sabi niya 6 pm ah?
Hindi ako mapakali. Para akong kiti-kiti----oh well, ang ganda ko namang kiti-kiti. Psh. Oo, maganda ka. Pero nasan na ang love of your life mo? Tumalon na siguro sa tulay sa SOBRANG kagandahan mo, Cassie.
Tingnan mo! Nakakausap ko na tuloy ang sarili ko.
At bago pa man mahuli ang lahat---err, tuluyan nang lamunin ng sistema ang katinuan ko, tinawagan ko na siya. You better pick up, Carl! Ang kapal ng mukha niyang hindi ako replayan ha! Tingnan na lang natin.
Ring...Ring..Ri----
[Hello? Cassa---]
"ANAK KA NG NANAY MO CARL! KANINA PA AKO DITO!! 10 PM NA OH!! ANONG AKALA MO SA'KIN, STATWA NA KAHIT ISANG SIGLO MONG PAGHINTAYIN, OK LANG?! FIVE HOURS KITANG HININTAY DITO HAYOP KAAAAAA!!!!!!"
Namumula na talaga ako sa galit ngayon. And in fact, bihira lang akong magalit.
Narinig ko naman yung sunud-sunod na paglunok niya. A sign that he's hell nervous.
[Cass, sorry! A-Akala ko kasi wala ka dyan. Sabi nung cousin mo---]
"PINSAN?!"
[Ahh... oo! Yung--]
"Pakiulit nga."
[Um.. pinsan?]
"Saang planeta ka ba nagmula?! Wala akong pinsan! PAREHONG ONLY CHILD ANG PARENTS KO! IKAW PA NGA NAKADISKURE NUN, DIBA?! Sa pagiging chismosa, dinaig mo pa ako pero sa simpleng common sense, nawalan ka yata ng brain cells!"
[E-Eh?! P-Pero---]
"Kapag hindi mo ako pinuntahan dito within ten minutes, BREAK NA TAYO!"
[W-What?! Pero...]
Toot. Toot. Toot.
Binabaan ko na siya.
Nakakainis kasi eh. At saka, anong sabi niya? Pinsan? Nagpapatawa ba siya? Jusko. Bakit ko nga ba minahal uli ang gagong 'to?
Naku, nahawa na yata yun sa ex ko na di ako madalas siputin sa ganitong mga okasyan. Could it be na may virus ang pagiging Ivan? Don't tell me nahawaan na niya si Carl?!
Tsk! Bahala siya. Manahin na niya ang pagiging paasa ng ex ko...wag na wag lang akong lolokohin ni Carl!
***
Edited:09.22.16
BINABASA MO ANG
✔ The Day My Ex Returned [A Filipino Novel]
HumorCompleted. 05/15/2015 (10:32pm) ★Ranked #19 in Humor (09.23.16) ★Ranked #17 in Humor (09.24.16) ★Ranked #15 in Humor (09.25.16) ★Ranked #13 in Humor (09.26.16) ★Ranked #20 in Humor (09.30.16) ★Ranked #12 in Humor (10.01.16) ----- Manloloko. Babaero...