Cassie's POV
Isinama ko yung dalawang bata (hahaha akala mo, nanay e no?) Papunta sana kami sa Starbucks kaya lang maaga pa pala.
Hm....ayoko namang pumunta sa park kasi nga di ba? Ikakasal na ako. Baka magalit pa fafa Carl beybeh ko pag nakipagkita aketch kay Ivan?
Kaya ayun.
Sa PARK muna kami tumambay.
Hahahaha ansaveh??
Naglalaro lang sina bebes ko samantalang ako, nakaupo lang dito sa may bench. PERO DI KO HINIHINTAY SI IVAN AH!!!
Hahahaha. Tinext ko lang siya na nandito ako ngayon, PERO DI TALAGA AKETCH MAKIKIPAGKITA SA EX KO HA?!
Ang tagal naman niya.
Tapos, maya-maya ay may lumapit na babae sa akin. Di ko siya kilala.
"Ang mga taong nagpapakatanga, dapat itinatapon sa basura."
Napalingon aketch sa kanya. WHO-GOAT!!!!!
Hahahaha.
"Um....ate, ako ba yung pinagsasabihan mo? Kaloka ka ha."
Napatingin siya sakin. "May sinabi ba akong ikaw?"
#Ouch hahahaha
Pero...para ngang tinamaan ako sa sinabi niya. Nagpapakatanga? Ako? Siguro. Pero, ang magmahal naman ay isang malaking PAGPAPAKATANGA. So, in general, iisa na lang ang meaning nun.
"Alam mo, iha.. Buksan mo naman yang mga mata mo. Ano bang mapapala mo sa ginagawa mong ito? Di ba, ikaw rin naman ang masasaktan? Tsk. Kundi ka ba naman may toyo."
Aish! Ang shakit magsalita ni ate ha!!
"So, wag na akong makipagkita sa ex ko?"
Napailing siya. "Ano ba ang definition ng EX? Past ba yan? Bakit hanggang sa present ay siya pa rin? Sa nakaraan siya. Pagtuunan mo na lang ang karelasyon mo sa kasalukuyan."
Tumango ako.
Baka nga...mahal ko si Ivan, pero ikakasal na ako. Tapos, nagkabalikan daw sila ni ate. Ane be yen.
"Punasan mo yang luha mo." Sabi uli ni ateng at saka ko na lang naramdaman na umiiyak na pala ako.
Tsk! Damn. Tama kasi siya eh. THE TRUTH HURTS.
Aalis na sana siya nang tinawag ko siya. "Ah, ate! Ano pangalan mo?"
Napangiti siya. "Carmela Chua. Salamat pala sa pag-aalaga ng mga pamangkin ko ah?"
Kumunot yung noo ko. Pamangkin niya?
Tapos, lumingon siya kina mimi at wiwi.
"MIMI! WIWI! Halika na, uwi na tayo." Sabi niya. Yung mga Anakers ko naman, niyakap muna ako at nagpasalamat bago sumama dun kay Carmela.
Naiwan ako dito sa bench.
Iniisip yung mga sinabi niya.
Kelangan ko na talagang mag-move on.
Sige..seryoso na.
Let go na ako kay Ivan.
At saka na ako tumayo at naglakad papunta sa Starkbucks para makipagkita kay Dane.
***
BINABASA MO ANG
✔ The Day My Ex Returned [A Filipino Novel]
HumorCompleted. 05/15/2015 (10:32pm) ★Ranked #19 in Humor (09.23.16) ★Ranked #17 in Humor (09.24.16) ★Ranked #15 in Humor (09.25.16) ★Ranked #13 in Humor (09.26.16) ★Ranked #20 in Humor (09.30.16) ★Ranked #12 in Humor (10.01.16) ----- Manloloko. Babaero...