Cassie's POV
Eng serep megwele.
Alam niyo kung bakit? Sino ba naman ang hindi mapapairap kung sasabihin sayo ni Ivan Rivera na nire-rape daw siya ng sekretarya niya?! Kahit yata totoo yun, wala pa ring maniniwala sa sinasabi niya. Baka nga siya pa ang i-death penalty eh. Swerte niya lang na wala tayong ganun. Tara, isa-batas na natin!
Kasi naman diba? HELLO? Hilo! Hilo from the other side!
"Ivan, nice try. Wala ka na bang ibang alam na palusot?"
Siya nga dyan mukhang rapist, amoy rapist, at ilong rapist eh. How can he possibly be a victim? Pwede pa siguro kung biktimahin niya ang sarili niya. I'd be happy to call the mental hospital! Di ko nga alam kung pano yan nakalabas doon.
At, eww....
Ano tawag niya sakin BABY?!
Juskopo! Alam kong baby-face ako, pero please lang naman! I know I'm not the only one!
YUCK lang ha. If I were the old me, baka kelegen si aketch. Naalala ko dati, kada tatawagin niya ako with those shitty endearments, kulang na lang ay magpafiesta ako sa probinsiya namin. Sobrang tuwa ko. Para akong love-drunk puppy na walang ibang alam kundi ang magpaganda para sa kanya! Mabuti na lang talaga at hindi na ako ang dating ako. Nakakahiya.
Buti na lang talaga at sinira niya ako. If not, how on earth could I see things more clearly now? Oo, ako na 'to. Ang bagong Cassie. Ang babaeng taken for granted na nagsawa sa kanya.
Di na ako naiihi pag nakikita ka, Ivan. Wala nang kilig.
Kaya naman, bago pa siya nakapag-react dahil sa wala naman talaga siyang rights to begin with,
SLAP!
I smirked nang makita ko ang gulat na gulat niyang pagmumukha. Akala mo kung sino ang inaapi. Kung tutuusin, kulang pa yan kung ico-compute ko pa ang mga panahong inutang niya sa akin. Mga panahong nasayang ang pagmamahal ko sa kanya at nakalimutan kong mahalin ang sarili ko.
Yun oh!!! Hanlutong! Parang fish cracker lang! I inwardly mused.
Nagtaka naman daw yata siya at napahawak sa namumula niyang pesnge. Oo, pesnge. Mahilig ako sa E kaya masanay ka kayo, mahaba-haba pa ang pagsasamahan naten. Joke. Matatapos na rin naman ang storya na 'to kung hindi na gagambalain ng magaling kong ex ang buhay ko.
"OMG. Cassie, my beautiful and gorgeous face......huhuhu...."
Nangingilid na yung luha niya. I rolled my eyes. Ew lang. Such a drama king?
Nang akmang babatukan ko siya ay agad niyang inilagay ang mga braso sa mukha niya bilang proteksiyon. Ang arte talaga ng lalaking 'to!
Sinamaan ko siya ng tingin. "Hoy, kung maka-daing ka naman, akala mo ang laki ng nalugi sayo ha!! Feeling ka, tol."
"Hoy! Babae, for your information, may warranty pa yung mukha ko! At saka, kung maka-sampal ka naman, feeling mo tayo pa ah! Kaya para magkaroon ka ng karapatan na sampalin uli ako, TAYO NA LANG ULIT!! HIHIHI...."
May sapak talaga ang isang 'to. Napasapo na lang ako sa noo ko. He's a hopeless case!
"Bullshit! In your widest dreams na lang. Maupo ka na lang dyan, at mag-uusap tayo ng tao sa unggoy."
"Hehehe...sure ka ayaw mo sa kwarto ko mag-usap? Malaki kama dun at-----"
Nanlaki ang mga mata ko. Agaran kong hinubad ang sapatos ko at ibinato sa kanya. Aba'y bastos 'to ah!
"SHUT THE FUCK UP!"
Nagtago siya sa likod ng swivel chair niya.
"Y-Yes boss!"
***
BINABASA MO ANG
✔ The Day My Ex Returned [A Filipino Novel]
HumorCompleted. 05/15/2015 (10:32pm) ★Ranked #19 in Humor (09.23.16) ★Ranked #17 in Humor (09.24.16) ★Ranked #15 in Humor (09.25.16) ★Ranked #13 in Humor (09.26.16) ★Ranked #20 in Humor (09.30.16) ★Ranked #12 in Humor (10.01.16) ----- Manloloko. Babaero...