Carl's POV
Its a monday at susunduin ko sana si Cassie sa isang coffee shop daw malapit sa may mall, kasi tinawagan ako kanina ni Dane at ang sabi niya:
"Carl! You is needing to going in here on coffee shopping neared on mall!!! Cassie are is bleed to nosebleed!!!"
Noong una napamura ako sa grammar nya, kaso nga lang may pinsan ako na ganun din mag-english. Isang DAKILANG HENYO rin. Kaya nai-translate niya.
Mabuti na lang at wala siyang pasok ngayon. Secretary kasi siya sa isang malaking company.
Anyway, naglalakad na ako, actually, takbo-lakad kasi baka mawalan ng dugo si Cassie sa SOBRANG NOSEBLEED niya kay Dane.
Kaso, may nakita ulit akong lalaking nakasandal sa pader
At sa kamalas-malasan pa, ay yung lalaki din na yun yung unggoy na inahitan na nagpakilala sakin na pinsan siya ni Cass!!!
OMG. Haha. Nakaka-beki na itech. Hahahaha. Hawa na ko kay Cass.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko nang nasa may harapan na niya ako.
Ngumisi siya.
"I'm here to give you a warning. Layuan mo si Cassie, kung ayaw kong masaktan."
Kumulo yung dugo ko. Ang kapal ng mukha niya!! Kung di ko lang nakalimutan mag-gym ngayon, inupakan ko na siya eh!!!
"At bakit? G*go ka ba, ha?! After you ALMOST ruined our relationship with your little lie a few days ago, magwa-warning ka?! Bakit! Sino ka ba!?"
Wow..ang tapang ko!.purihin. Hahaha.
Sumimangot siya.
"Don't mess with the best, kiddo. I. AM. HER. BOYFRIEND." At nag-smirk pa siya at umalis na.
Boyfriend?!
Hala, sa huling check ko five seconds ago, ako lang ang boyfriend niya ha!!!
This isn't happening.
***
BINABASA MO ANG
✔ The Day My Ex Returned [A Filipino Novel]
HumorCompleted. 05/15/2015 (10:32pm) ★Ranked #19 in Humor (09.23.16) ★Ranked #17 in Humor (09.24.16) ★Ranked #15 in Humor (09.25.16) ★Ranked #13 in Humor (09.26.16) ★Ranked #20 in Humor (09.30.16) ★Ranked #12 in Humor (10.01.16) ----- Manloloko. Babaero...