Chapter Sixty-Two

1.4K 42 0
                                    

DingDong! DingDong!

Hm?? Teka, sino yung nag-door bell? At saka, KELAN PA BA AKO NAKABILI NG DOORBELL?!?!

Tumakbo na ako sa baba.

Doncha worry, naka loose T-shirt and short shorts aketch.

Teka, bakit ba tinatawag na SHORT SHORTS??? E, di ba "shorts" automatic na maikli???

Patayin gumawa ng term na yun. Hahahaha! De joke lang.

Pagbukas ko ng pinto, isang LBC delivery boy na pogi.

Whews. Koya, ikaw ba package ko??? Come in na, bilis!!

Hahahaha! Ansabeh?

"Ma'am, eto po package niyo chu chu chu blah blah blah....yada yada yada (after 17 years)....paki-pirma na lang po dito, dito, dito, at saka *tingin sakin sabay kindat* number niyo po."

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Aba koya, alam ba ng amo mo ang iyong paglalande?"

Napalunok siya. "S-Sabi ko nga."

Hahahaa! Pogi ka lang, pero takot ka pa ren! Hahaha! Yan, mga MALALANDE! Hahahaha!

Pagka-pirma ko, pinalayas ko na si delivery boy.

Hm....tiningnan ko yung package.

Binuksan at,

Sh*t lang.

DRESS?!?!?!?!?

AYOKO NGA! LESBI AKO MGA TOL!! Hahaha joke lang..

Isang simple white dress. Cute pero mas cute aketch. Sa loob may small note:

Cassie,

Suotin mo lang to kung ayaw mong masapak kita

-Ivan

Sweet nya noh? Hahahaha

Riiinggg....Riinngg...

Uy! Tawag!

Kinuha ko si phoney kong EXTRA at sinagot. Hahaha di ba nga, nasira yung isang cp ko kahapon dahil sa drama ko?

Buti na lang lagi aketch may extra.

Hahahha! Kinuha ko lang yung sim.

"Hello?"

[Iha! Cassie, ikaw ba yan?]

Si tita Astig. Oo nanay ni Dane.

"O, tita! Napatawag ka--"

[TULUNGAN MO ANG ANAK KO!! BILISAN MO!]

Nataranta naman ako. Anong nangyari kay Dane?!?!? OMG!!!

"T-Tita! Papunta na po ako!! Ano po bang nangyari kay Dane?! A-Ah, sabihin nyo sa kanya, BREATHE and PUSH----"

[Tongeks!! Hinde yun! OA mo naman!!]

Kumunot noo ko.

"Eh, hahaha ano po ba nangyari???"

[Nangigisay na sa KILIG.]

=_=

Pupunta pa ba ako? Wag na!

Baka mapatay ko lang yung babaeng yun =_=

***

✔ The Day My Ex Returned [A Filipino Novel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon