Chapter One Hundred-Two

1.2K 22 0
                                    

After two weeks....

Two days before the wedding.....

Cassie's POV

[Oh! Bakit ba parang nag-droppers na yang voice mo, sistah?]

Napangiti ako. Kanina pa ako telebabad dito kay Ate Machete Adan. Hahaha..

"Hindi, may iniisip lang aketch. Keribells lang. Basta bukas ah? Dating kayo dito para maayusan mo na aketch loka ka."

[Surebells! Hahaha....pero..]

"Pero ano?"

[Aish! Shakit sa bangs. Si sisterette Cathy na magsasabi sa'yo!! Haha. Kainggit kayo 'day!]

"Tsk. Sige na. Nandito na si Carl eh. Bye."

[Babu~~]

Inend ko na yung call, kasi tumabi na sakin si Carl na katatapos lang magluto ng tanghalian.

Inakbayan niya ako.

"Babe, may problema ba?"

Nginitian ko siya. "Ah....wala naman! Bakit mo naman naisip yan? Ha-ha-ha!"

Tinaasan niya lang ako ng kilay.

Tsk. Alam kong nahahalata niya.

Pano ba naman kasi, 2 days na lang, magiging Mrs. Villanueva na aketch. Hays... Tapos, hanggang ngayon, naiisip ko pa rin si Ivan.

Sa nakaraang 2 weeks kasi, hindi niya ako tinigilan.

May time pa nga na kasama niya yung barkada niyang inaabangan ang pag-out ko mula sa trabaho eh.

Tapos, kukulitin niya ako....

Nagmamakaawa ba?

Pero kahit na masakit sa puso, hindi ko siya lagi pinapansin. Lalo pa't, ikakasal din sila ni Ate...Damn lang.

Sh*te...ang bigat ng kalooban ko. Di ko na yata itech keri.

Lagi ko na siyang iniiwasan, kahit na ako yata mas nasasaktan.

"Babe, may nakita pala ako sa mail kanina...eto oh."

Tiningnan ko si Carl. May inabot siya saking sobre.

Nang binuksan ko ito, isang WEDDING INVITATION.

At isang sulat.

Kumirot yata ang puso ko nang binasa ko yung sulat.....

Dear Cassie,

Hey sis! Anyway, hindi namin sinabi sayo ni Hubby---este, Ivan. Pero ang wedding namin, ay the day after yours. Oh, di ba? Ang saya-saya. 2 weddings in 2 consecutive days!! Hahaha. Tuwang-tuwa nga parents natin eh. Tsk. Di mo na kasi sila pinupuntahan. Anyways, pagkatapos ng honeymoon niyo ni Carl, punta kayo agad-agad sa wedding namin ah? I'm sure naman na, YOU'LL ENJOY ATTENDING IT. Take care! Mwah.

Your pretty sister,
Catherine ;)

THE DAY AFTER OUR WEDDING TALAGA?!?!

NANANADYA BA ITONG LECHENG ITO?!?!

Kahit na nanghihina na ako, ay tingnan ko yung wedding invitation.

Pakshet.

Ikakasal sila sa Baguio?!

Ayaw mo naman yatang gawing miserable ang buhay ko, Catherine....

Kaya naman, "Beybeh Carl, excuse lang. I need to use the restroom."

Tapos ay tumakbo na ako sa banyo, nilock yung door at umiyak..

***

✔ The Day My Ex Returned [A Filipino Novel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon