Chapter Forty-Two

2.1K 59 0
                                    

Ivan's POV

Umalis na si Cassie.

Ayaw magpahatid eh! Tsk. Choosy pa. Mala-hunk na nga maghahatid sa kanya, ayaw pa niya?! Aba matinde!

Kaya ayun,

Aakyat na lang sana ako ng kwarto at pagpapantasyahan si Cassie ko, ang kaso, may mga delibyong dumating---

"PARENG COB!!!!"

Tsk! Napatakip na lang ako ng tenga sa pagsigaw ng barkada sa labas.

Knock! Knock! Knock!

"Oo na!! Potek!"

Pagbubuksan ko ba sila ng pinto? E, kung wag na kaya? Mga leche sila----

Dingdong!! Dingdong!!!

"PATI BA DOORBELL KO RE-RAPIN NYO?!?!!"

"PAPASUKIN MO KAME!!!!!!!!!!!"

Binagalan ko pa lalo ang pagpunta sa pinto na mahihiya na lang ang pagong sa bagal ko. Mga asungot!!

MARIAN!! MARIAN!! MARIAN!!!

"PARE!! ASTIG NUNG DOORBELL MONG KULAY PINK!!!! IBANG KLASENG TUNOG, MATINDE!!"

Alam kong si PakPak yun.

Napa-sigh na lang ako. "Pakshet lang talaga kayo mga bobo."

Kaya para wala mang iskandalo, binuksan ko na la-----

"ARAY! ARAY! ARAY!!"

Stampede?!?!?!

Inapakan ba naman nila yung mukha ko?!?! Mga walang-puso!! Nakahiga na tuloy ako sa sahig!

"Oh, pare! Ba't mukha ka na namang LEPROSO dyan????"

Sinamaan ko ng tingin si Doom. Laitero talaga ang lintek!

Tumayo na ako at pinagpag ang mukha ko. Ang pinka-iingatang kong yaman!

"Eh, kundi ba naman kayo sampu't kalahating tanga!!" At umupo na ako sa sofa.

Si Dren naman, nagtaka. =_=

Nag bilang pa ang bata!!

"Si Doom....si PakPak....si Tikoy...si Emo....ikaw....TEKA! Pare, MAY NAWAWALANG ISA!!!"

=_= Ang sarap ihampas sa pader.

"Huh?! Ano yun pare?!" -Tikoy

"P-Pareng Tikoy!! Di ba, anim tayo bukod kay Bopis, ANIM!!! Lima lang ang nabilang ko!! Nasan na yung isa?!?!?!?"

Ampotek lang.

"HA?! LIKA, MGA PARE!! HANAPIN NATEN YUNG ISA!!" -Doom

"Tingnan nyo sa ilalim ng door mat. Baka nagtago dun." -pati ba naman si Emo?!?!?!

At ang limang abno, ginalugad yung buong bahay ko para hanapin DAW yung nawawalang isa sabi ni Dren.

Hays.......

***


✔ The Day My Ex Returned [A Filipino Novel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon