Chapter Ninety

1.1K 24 0
                                    

Ivan's POV

Umuwi na ako sa bahay.

Nakaalis na pala sila mama at papa. Nang makarating ako sa may sala, ay nadatnan ko si Ace na nanonuod ng TV.

"O, nandyan ka na pala, baby bro! Lika, nood tayo SpongeBob."

Sinamaan ko siya ng tingin at dumiretso sa kusina. "Wala ako sa mood." Sabi ko sabay kuha ng wine sa may cabinet.

Bumalik na ako sa sala na may dalang baso at vodka.

Nagulat yata si Ace. "Teka! Di ba hindi ka umiinom?! Sa pagkakaalala ko hanggang DutchMill lang kaya mo ah!"

Nagpoker face ako.

"Nilihim ko. Umiinom ako."

At umupo na sa may isang couch at sinimulan na ang pag-inom.

Ace eyed me, tapos pinatay na niya yung TV. Seryoso yung mukha niya. "Okay Ivan, tell me what happened. Bakit putok yang labi mo? Masyado bang ROUGH si Cassie sa kissing nyo?!"

Naibuga ko tuloy sa mukha ni Ace yung vodka.

"T***na naman, Ace!!! Common sense naman kahit konti?!"

Pero imbes na matawa, ay para pa yata siyang lalong nag-alala.

"Tell me what happened."

Tsk. Kahit kailan, pakielamero itong kapatid ko. Pansin niyo bang NEVER ko siyang tinawag na kuya?

Di kasi kagalang-galang ang mokong na to. Matapos nyang agawin lahat ng girlfriends ko? Tsk.

I glared at him. "Umalis ka na." Malamig na sabi ko. At nakita ko siyang nag-sigh.

Tumayo na siya.

"Bahala ka dyan, Ivan. Ako na nga lang yung nag-aalala, ako pa pinapalayas mo!" At pagkatapos, ay lumabas na siya ng bahay.

Salamat naman. Tsk. Ang drama niya lang.

Ipinagpatuloy ko na lang yung naudlot kong inumin nang bigla na lang may kumatok sa pinto.

Tumayo na ako. Baka may nakalimutan na naman si Ace.

Ang kaso, pagbukas ko---

"Hi, Ivan honey.. Miss me?"

Si Catherine.

***

✔ The Day My Ex Returned [A Filipino Novel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon