Chapter One

16.7K 362 36
                                    

"Hindi na nga kita mahal sabi eh!! Manigas ka dyan!!"

Frustrated na sigaw ko sa mukha ni Ivan. Sino siya? Well, siya lang naman ang EX ko na after 3 years, nabuhay ulit. Magic 'no? You should really ask him kung paano ba nabubuhay uli ang mga lalaking patay na patay sa akin! Joke. Pero imbes yata na mainis sa pagpapalayas ko sa kanya, heto at persistent pa talaga!

"Ikaw yun. Pero ako? Mahal kita, Cassandra! Kaya please, give me another chance?"

Natutulili na talaga ang tenga ko sa CHANCE na yan! Sino ba kasi ang nag-imbento niyan?! Sana man lang naglagay muna siya ng warning sign bago naipakalat sa madla!

"Bwiset ka talaga no?!! I told you, MAY IBA NA AKONG LAB, OKAY?! Kaya shupe! Layas! Umuwi ka na sa planeta mo! Malay mo, may babaeng banal na kaya kang pagtiisan dun!!"

Pagtataboy ko. Pero ang gago lang niya talaga kasi nag-lean back pa siya sa sofa KO at ngumisi. He still had that arrogant aura surrounding him. Mula pa noon, napakaconceited na nitong lalaking ito. Naniwala yata sa sinabi ng ina na madadaan niya ang lahat ng bagay sa konting CHARISMA.

"Nagmamahal ka, nagmamahal ako, e di MAGMAHALAN NA LANG TAYO."

Napa-poker face ako.

Nakaka-stress ang ex ko. Sarap lang ilibing ng buhay. Kung hindi lang talaga ako makakasuhan ng murder, malamang kanina pa natin ito pinaglalamayan.

Hi. Ako nga pala si Cassandra Montez. 21 years of age and being irritated by none other than my ex, Ivan Jacob Rivera.

And guess what? Galing talaga niyang sumabay! Kasi, ngayon ang FIRST ANNIVERSARY namin ng NEW boyfriend ko. Nang-aasar ba talaga ang taong ito? Is he even expecting me to entertain him ngayong anniversary namin ng bago ko? Damn him!

At mabuti na lang wala pa dito si Carl. Kundi, patay ako.

"Sinong niloko mo? Pwede ba Ivan, lumayas ka na!! Its been 3 years! Wag mo akong idamay kung hindi ka pa nakakamove on sa kagandahan ko! Kahit naman ako, nahirapang makapag-move on sa sarili ko eh! Kaya go na! Nakakaasar ka na."

He frowned. Nagmukha tuloy siyang suplado na boss. Yun bang, pwede mo nang i-cover sa mga magazine? Oo. Tapos itapon mo yung magazine para mas kapakipakinabang.

"That's the point!! Three years na nga pero ikaw pa rin mahal ko Cassie, sige na naman oh.. Look! I'm better now. Matino na ako... See? Matatanggihan mo ba ang poging katulad ko?"

Ngali-ngali ko nang hubarin ang 20, 000 peso priced high heels ko at ibato sa kanya. Kung hindi nga lang mahalaga sa'kin 'to, bakit hindi diba? Kasiyahan ko nang makitang butas ang kanyang mukha!

"Wala aketch paki!! Lumayas ka nang hampas lupa ka!!!"

He chuckled, irritating me more.

"Ampogi ko namang hampas-lupa? Sige na naman Cassie, I know you still lab me!! Ang LABABOL ko kaya! Sige ka, ikaw rin ang mawawalan!"

Sinamaan ko siya ng tingin. Ten minutes pa lang siya dito pero sakit na siya sa ulo ha!! Kahit yata Biogesic, nahiya sa pasakit na dala nitong ex ko.

Kaya naman umalis ako sandali at kumuha na ako ng butcher's knife sa kusina, then bumalik sa kanya.

"Aalis ka, o aalis ka?"

Nanlalaki naman yung mga mata niya at saka dali-daling tumayo. Akala mo sinilaban ang pwet sa sobrang bilis!

"Oo na!! Aalis na ako! Pero, mababawi rin kita Cassie!!! ISINUSUMPA KO SA LAHAT NG TUKO SA MUNDO!!!!!!!"

"ISUMPA MO NA MUNA SA MUKHA MO! MALAY MO, EFFECTIVE YAN SA MANLOLOKO?! LAYAAAAAS!"

At lumabas na nga siya ng apartment ko after giving me a flying kiss. Inihagis ko pabalik ng kusina ang kutsilyo at naupo sa sofa, sapo ang ulo ko.

Lumayas na rin sa wakas!

Buti naman.

***

Edited: 09.12.16

✔ The Day My Ex Returned [A Filipino Novel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon