Chapter One Hundred-Ten

1.7K 27 2
                                    

Cassie's POV

Nasa may parking lot na kami nun, at super nagmamadali!!

"Ace! Sa kotse mo na sasakay ha?! Papuntang Baguio!!"

Nilingon ako ni Ace. "Bakit sa kotse ko?!!?!"

"AANGAL KA?!"

"Sabi ko nga di ba? Tsk."

Natawa na lang si Dane samin, tapos pumunta na kami sa may kotse niya.

Umupo na si Ace sa may driver's seat. Si Dane naman, hinatak ko sa may likod para magkatabi kami.

"Uy! Teka!! Dane dito ka nga umupo!!"

Umiling si Dane at nagflying kiss sa kanya.

"Tsk. Ikaw Cass! Dito ka katabi ko dali!!"

Ano bang problema neto?? =_=

"Bakit ba natataranta ka Ace?!" Sigaw ko na sa mukha niya.

At para akong nabadtrip sa sagot niya...

"EH AYOKONG MAG MUKHANG DRIVER EH!! PAG NAUPO KAYONG DALAWA DYAN SA LIKOD, MUKHA NA AKONG DRIVER!!!!"

=______=

Natameme kami ni Dane.

Gusto nya, may katabi siya sa harap para di daw siya magmukhang driver???

"T***NA NAMAN ACE! WAG MO AKETCH ARTEHAN!! KUNG AYAW MO PALANG PAGKAMALANG DRIVER BA'T KA PA NAUPO DYAN SA DRIVER'S SEAT?!?! ANONG GAGAWIN MO DYAN TATAE??!?!?!!!!"

Nag-sigh siya in defeat. "Aish. Sige na nga."

At pinaandar na nya yung kotse niya.

Tawa lang ng tawa tong si Dane. Sus. Inlababo na talaga.

"Hahahaha....teka, babe. Bakit ka ba ule naka-boxers and sando lang?" -Dane

Yun nga rin gusto kong tanungin kanina pa eh.

"Aah....kagigising ko lang kasi nang dumating si Conan at ibinigay sakin yung results ng imbestigasyon niya."

Tumango-tango na lang aketch.

Oo na lang! Para tapos usapan!

Andami ko pang iisipin no!

Ivan, leche ka..hinatayin mo lang ako. Tsk,

DI BA DAPAT LALAKE ANG GUMAGAWA NETO?!?!

Ako ang naghahabol eh! Chugas naman oh.

--

After ilang hours din ng biyahe at traffic,

Nakarating din kami na magga-gabi na.

Kasi yung kasal sana naming yun ni Carl ay 1pm, kaya siguro mga 7:30 pm na.

Ang lakas ng pintig ng puso ko.

Kinakabahan ako.

Lalo na noong dumating kami sa may simabahan na tinext kanina ni Carl, wala kaming naabutan.

Oh, hinde.......

Ivan...

"Um, bata?" Tawag ko sa isang sakristan na nakita namin. Para pa yata siyang nagtaka kasi nakawedding gown pa rin ako.

Pero kahit na pagod pa rin ako sa biyahe, nagtanong na ako.

"May, i-ikinasal ba dito kanina?"

"Opo, Ate. Kani-kanina lang natapos."

***

✔ The Day My Ex Returned [A Filipino Novel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon