Chapter 3

86 3 0
                                    

Chapter 3

Trouble

 I almost punched him. I was at the edge of hitting him straight on his face.

Nagtaas-baba ang aking dibdib lalo nang panoorin ko siyang umangkas sa kan'yang big bike at pinaharurot ito. Umalis na siya pero naroon pa rin ang inis ko. Hindi nararapat iyong ginawa niya at talagang hindi ako magtataka kung magsusumbong man iyong lalakeng nakaharap niya sa OIC ng school o miski sa mga kinatawan ng barangay.

Sobrang yabang! At nangamoy na akong sigarilyo!

Siguradong magtatanong ang Mama at Papa kapag naamoy nila akong ganito. Sobrang sama ng ugali, nakakainis! Hindi ko lang ipinapahalata at lantarang ipinapakita ang inis at iritasyon ko sa lalakeng iyon dahil may mga ibang estudyante pang nanonood.

Nang makauwi ako ng bahay dahil sinundo na ako ni Papa, nanggagalaiti pa rin ako. Hindi ko na magawang mag-aral sa mga subjects dahil sa nangyari kanina. Pumunta ako ng talon at doon ko kinain iyong ensaymada at uminom ng softdrinks.

Sana walang pupuntang Vivero. Paubos na ang enerhiya sa katawan ko sa araw na iyon at dapat ay hanggang Friday ay tipirin ko iyon pero dahil sa komosyon kanina ay nanggagalaiti na naman ako.

Pagalit akong kumain ng tinapay. Doon na sana ako sa tree house pero bumaba na kasi iyong araw at maya-maya kapag nakapagpahupa na ako ng iritasyon ay babalik na ako sa bahay.

Ngumiwi pa ako nang makitang may mga upos ng sigarilyo sa cottage. May sako naman doon sa gilid na kung sakali mang tapunan ng basura ah? Hindi lang marunong makinig iyon, hindi rin nakakakita. Nakakainis talaga.

Kung ano-ano ang klase ng polusyon na dinadala.

Bumalik na ako sa bahay nang matapos kong kainin iyong ensaymada at naubos ko na rin iyong softdrinks. Kinausap pa ako ng tiyahin ko, tinatanong kung kumusta ang pag-aaral ko.

"Kumakaway ang valedictorian ah?"

"Hindi pa ho sigurado, Auntie," ani ko at ngumiti.

"Nakapagdesisyon ka na ba ng kukunin mo sa kolehiyo? Ang ate mo na ang magpapaaral sa'yo ah?"

"Hindi pa ho sigurado. Baka Political Science po kapag nagkataon."

"Nagbabalak ka bang pasukin ang abogasya? Mahirap at mahal iyon, baka hindi mo kayanin."

"Sinabi rin po kasi ni Ate na piliin ko lang 'yong kursong gusto ko."

"Kunsabagay.."

Gusto ko rin ng engineering pero sa klase ng strand na kinuha ko ay baka mahirapan lang ako lalo.

"Anong gusto mong hapunan bukas, Sha?"

"Sinigang, Papa."

Naging routine na rin nila Papa iyon. Mula pa sa aking pagkabata, palaging tinatanong sa akin kung ano ang kakainin namin sa hapunan o sa lunch. Kapag umuuwi rin ako ay mayroong nakahandang meryenda. Kahit papaano talaga, nawawala 'yong inis at iritasyon ko sa lalakeng iyon.

Academics at sa school na lang talaga ang pinoproblema ko.

Sumunod ang araw at mas lalong naging mahirap na talagang ibalanse iyong student council at pagiging isang estudyante. Wala naman naging problema sa ibang estudyante. Iyon ang akala ko. Dahil tahimik lang din naman si Vivero sa loob ng aming classroom. Sa sobrang tahimik ay hindi pa nakasasagot sa recitation.

"Sha, may komosyon sa classroom."

"Bakit? Anong nangyari?"

"Si Vivero.." Ngumiwi si Rica. Mula sa aming office sa second floor sa taas ng faculty ay pumunta na ako ng aming classroom. Tumambad sa akin na may mangilan ngilan pang juniors ang nakikiusyoso.

In the Heart of Horizon (Sunset Avenues #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon