Chapter 15

79 2 3
                                    

Chapter 15

Windmills 

To fall — I would wear something like a ball gown even in broad daylight. And it would turn magical during the dance. Iyon ang nabasa ko noon. I even thought, when I was young, that the Cape Vivero was a palace suitable for that. But I knew then that it would be impossible so at last, I just wanted that last year of seniors' ball to be all about reminiscing friendship all throughout the years.

But the suspicion that I had was that.. Vance's gimmick ruined it. Naroon ang laptop at printer sa silid niya. And because he knows that I need him, he has set it up. To ruin me more.

"Hindi ba, Ate Asia, bumalik din naman ang ginawa mo sa akin? Ang kaibahan lang ay hindi ako desperada at hindi ako nagsisinungaling kagaya mo, alam mo na una pa lang na gusto namin ni Van ang isa't isa, hindi ba?"

"Angela, ilang beses ko bang kailangang ipaintindi sa'yo na sa iyo na ang Vance Vivero na iyon?"

"Hindi alam ng faculty ang tungkol sa pagpunta mo sa silid niya, Ate Asia. Ano sa tingin mo ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang may ganoon ngang nangyari?"

"Angela, you stop this. Sa ginagawa mong paninira ng kapwa mo ay sinisira mo na rin ang sarili mo," mariing sambit ko.

I wouldn't have time for it. I am already running for everything. Pero natigilan ako nang muli siyang magsalita.

"Alam nating pareho na mas maniniwala ang mga tao sa kamaliang nagawa, Ate Asia, at hindi sa lahat ng achievements mo. Kahit isang pagkakamali pa iyon.."

Problema ko ang balance ko sa graduation. Problema ko ang nangyayari sa bahay. Inaalala ko si Mama at si Papa, ang hindi na pagtawag ni Ate kaya ayokong isipin pa ang tungkol kay Vance at Angela.

Why do I have to defend it that I don't like him? Like I really don't? Ano bang gustong maintindihan ng mga tao? Kapag sinabi kong gusto ko siya, huhusgahan ako ng lahat. At kapag sinabi ko namang hindi, ay nagsisinungaling ako.

"Sa ating dalawa, Ate Asia, inaamin kong gusto ko si Vance. Ikaw, hanggang kailan ka magkukunwari at magpapakitang tao na hindi naman ang magpapansin sa kan'ya ang intensyon mo?"

"Ito na ang huling pakikipag-usap ko sa'yo, Angela. Ayokong mawala ang konsentrasyon ko dahil lang sa akusasyon mong inaagaw ko sa'yo si Vivero."

"Playboy si Vance, Ate Asia. I am concern about you. Dahil paano kung.. pinaglalaruan ka lang pala niya kasama ang kan'yang mga kaibigan na taga-Manila?"

Nasira ang aking gabi sa ball. I had no more energy to dance with my classmates. Pumunta ako sa likod ng auditorium. Isinandal ko ang aking likod sa pader. Pakiramdam ko kapag bumalik ako roon ay pareho ding iba ang tingin sa akin ng mga classmates ko.

Nakakaawa, nakakatawa.

Hindi naman ako pwedeng umuwi dahil wala naman akong guardian na susundo sa akin kaagad. I told my father that he must fetch me. Sinabihan ko siya sa konting oras na hindi siya lasing pero alam kong bibiguin niya lang ako ulit.

So I would talk to Ma'am Aileen. Iyon na ang gagawin ko habang maaga pa lang. Habang may tricycle pang naghihintay sa labas, makakauwi pa ako.

Nagulat pa siya kasama ang aming ibang teachers sa kiosk nang lumapit ako. Bakas pa sa kanilang pagtingin sa akin ang tungkol sa issue namin ni Angela at ang ginawa kong pananampal sa kan'ya.

"Ma'am, mauuna na po akong umuwi."

"Bakit, Sha? Hindi pa nakakalahati sa program ah?"

"Wala po kasing susundo sa akin kapag natagalan ako sa pag-uwi. Kailangan ko na pong umuwi ngayon."

In the Heart of Horizon (Sunset Avenues #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon