Chapter 9

73 2 0
                                    

Chapter 9

Waiting Shed


Buti nga alam niyang gago siya.

It's true. Vandam was never my definition of man. That has been embedded in me since a decade ago. He's wasting so much time realizing what is known for him. He's wasting so much time for something that wouldn't last. And he's wasting so much time giving attention to his vices. He was never my own definition of man.

If I were to love..really love and based from the perceptions I have built at the treehouse itself, someone with a dream. Someone who envisions himself on the horizon..with me dreaming and manifesting the dream.

While Vandam was never that kind of.. someone whom I would spend the day talking about the future and the next moment, we'd be..both working on it. Pero siguro ay iba lang talaga ang pagpapakahulugan ko sa pagmamahal, pagsasama at pangarap.

I thought then that through hardwork, through patience..everything will be realized in no time.

"Asia, may tumatawag sa'yo mula sa labas. Ang classmate mo!" si Mama.

It was already Sunday morning.

Pupungas-pungas akong tumayo mula sa higaan. Pakiramdam ko ay pagod na pagod pa ako mula noong Friday. Hindi pa umaabot ng isang buwan ay nauubos na yata ang enerhiya ko. Nakakunot ang noong lumabas ako ng bahay. Itali ko na lang ang aking buhok pagkatapos kong maghilamos at magmumog.

Sino namang classmate ko ang bibisita sa bahay nang walang paunang sabi sa'kin?

I heard laughter. "What a nice way to greet good morning, Espe." He grinned.

Vivero! I grimaced when I saw his face.

Batid ko sa kan'yang mukha na natatawa siya sa aking mukhang wala pang hilamos at suklay. I just realized that it was Vivero when I have seen his smirk and his judging eyebrows.

As if I haven't known him enough not to recognize him.

"What do you want this time, Vivero?"

It was only seven in the morning. At gusto kong humilata sa aking kama sa buong maghapon dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako.

"I want my t-shirt back, Espe."

"Wala ang t-shirt mo rito, itinapon ko na."

"You are joking. Where's my t-shirt? Sinabi kong kukunin ko iyon?"

Humalukipkip ako. Binalewala na kung pinagtatawanan man niya ang ayos ko.

"Well, itinapon ko na, Vivero. Ano pang magagawa mo?"

"I don't believe you. Where's my t-shirt?"

"Itinapon ko na nga kaya umalis ka na," hamon ko.

"Ibibigay mo mo sa'kin iyon pabalik or.." Iminuwestra niya ang isang stolen picture ko. Walang suklay. Basta na lang itinali ang buhok. Naka-pajama at maluwang ang damit. Natauhan ako umaga pa lamang dahil sa kan'yang pang-iistorbo.

"Huwag kang papasok ng bahay. Baka umuwi si Papa at baka maisipan pa niyang.." Umirap ako. "Diyan ka lang. Huwag kang susunod. Ako na mismo ang kukuha ng t-shirt mo."

Ngumisi siya, ngising akala mo ay nagtagumpay.

"Okay, President."

I went inside our house to get his t-shirt. Naglaba pa ako kahapon at iyon lang ang tanging nilabhan ko. Si Mama kasi ang gumagawa ng labada, maliban sa mga panloob ko, at hindi ko naman gustong may makita siyang damit na panlalake roon kaya ako na mismo ang naglaba ng damit niya. And my pride couldn't take it! Sana nga itinapon ko na lang iyon sa basurahan.

In the Heart of Horizon (Sunset Avenues #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon