Chapter 19

94 0 0
                                    

Chapter 19

Blindfolded

I inculcated even to my grave that I will never ask for help from someone who had caused us that downfall. My own mother.

Nang tiningala ko ang langit, ang makulimlim na mga ulap at bumagsak sa aking mga mata ang ulan ay itinatak ko sa isip ko na kahit kailan ay hindi ako lalapit sa kan'ya, kami ni Papa. Na kahit umiyak man ako nang ilang ulit, wala akong pagpipilian kung hindi ang magpatuloy.

I will rise on my own, dahil hindi matanggap ng dignidad ko na hihingi ako ng pera na magmumula sa kasalanang ginawa niya. Pakiramdam ko kapag ginawa ko man iyon ay si Papa na mismo ang pinagtataksilan ko. Kahit sabihin pang responsibilidad niya ang magbigay ng sustento.

Alam ko na una pa lamang sa desisyon na iyon na mahihirapan ako sa Manila. What do I know about the city when all my life I have felt at home in the province? And even if I were not ignorant about the global city, I always think that I would find myself lost in its complexities.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko at isinandal sa bintana ang aking ulo. Dadaanan namin ang Ilocos Sur, kung saan naroon si Papa pero hindi na kami titigil doon. We'd go straight to Manila. Ilang beses na akong napabuntong-hininga, pinasadahan ng tingin ang natatanging bag na dala ko at naroon pa ang pinahiram sa akin ni Vance noon na t-shirt.

The thought of him left in that forest conquered me. As if I have seen him and heard him calling my name when we did it and when I was taking a step far from that forest.. only to find myself in a wild city.

"Anong sinabi mo sa kaibigan mo, Asia?"

Nilingon ko si Tiya Luz. Napakagat ako sa labi ko at pinaglaruan ang aking mga daliri. You condemn your mother's way, thinking that it was selfish but aren't you now the same, Asia? Would you justify the thing you have done? To give something that you have been valuing all your life for someone you don't love?

Nabali ang lahat ng prinsipyong pinanghahawakan at pinaniniwalaan ko sa gabing iyon. Nang ibigay ko iyon sa kan'ya. Was the debt an enough reason why you gave it to him? Tumindig ang aking balahibo sa lahat ng realisasyon at nakipagtalo pa sa sarili.

"Asia, hija?"

"Nakapag-usap na po kami, Tiya Luz. Ang tungkol sa utang ay napagkasunduan na po namin kung paano babayaran," I said as I bit my lower lip.

Nadaanan namin ang ibang probinsya bago namin narating ang Manila, kung saan nakatira ang aking Tiya Luz sa isang subdivision. I never knew that they were that wealthy. Hindi ko iyon inaasahan dahil wala namang nasasabi si Papa tungkol sa iba pa niyang mga kapatid, partikular na ang kanilang naging buhay.

"Sa baba ang silid mo ha?" aniya. "Nandito pala ang mga pinsan mo. Hindi mo pa sila nakikilala ano?"

Umiling ako kay Tiya. Dinala niya ako sa magiging silid ko.

"Ang asawa ko naman ay isang negosyante, may-ari ng cruise ship. Umuuwi kada isang linggo," ngiti ni Tiya.

"Halika, dito ang magiging silid mo."

Nilapag ko ang aking gamit sa sahig at pinasadahan ng tingin ang aking magiging silid. Nakasabit sa isang hanger ang uniporme ng isang kasambahay. Tama lamang sa iisang tao ang kama, may nakalatag na banig, unan at kumot. Maaliwalas ang paligid pero maliban sa maliit na cabinet ay wala nang gaanong kagamitan doon.

"Iyan pala ang mga napaglumaang gamit ng mga kasambahay namin. Maaari mong gamitin, Asia. Nag-resign na kasi iyong dati naming kasambahay kaya ikaw na ang kapalit," dagdag ni Tiya.

I never knew then what it meant. Ang alam ko lang pinatuloy nila ako sa bahay nila sa Manila. Pag-aaralin habang hinahanap ko ang aking kapatid at hinihintay na dumating siya roon kila Tiya.

In the Heart of Horizon (Sunset Avenues #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon