Chapter 7

76 2 0
                                    

Chapter 7

Anger

"Kaya nga NBSB dahil alam ko at kilala kita. And I set standards, Vivero."

Pinanood ko ang pagkudlit ng pagkapahiya sa kan'yang mukha. That's also the satisfaction for me because it is once in a blue moon, at least in my faint memories with him, that he's embarrassed of the words being thrown at him. Kahit papaano ay napuputol ang kan'yang sungay, kahit ilang segundo lang.

I raised my chin proudly. Wala akong pakialam kung sa tingin mo ay walang nagkakagusto sa akin dahil lamang sa may standards ako.

"It seems to me that you are NBSB because you set standards, imaginary standards. Standard na pati alien ay hindi maabot, President," nakangising sagot niya.

"I set standards for my future boyfriend and I don't set standard for you. Gaano man iyon kataas, wala ka nang pakialam doon. It's up to my future boyfriend if he wants to pursue me. Ano ba naman 'yang standards na 'yan kapag gusto ka talaga ng isang tao hindi ba?"

"At sino namang manliligaw sa'yo, President?"

My brows knitted. Nagpantig yata ang tainga ko dahil sa narinig. Tinignan niya ako mula sa aking ulo hanggang paa.

"Let me describe you." He smirked. "You don't know how to dress yourself. Even fashion itself. You nag a lot, when I say a lot, I mean it. No one can ever stand your nonstop nagging. Your face... nothing special, not even close to the 'average looking'.. Wala man lang remarkable asset, President. Lastly, I bet my name, hindi ka magkakaboyfriend."

Napatulala ako sa sinabi niya. Para akong ininsulto nang harap-harapan! Pointing all the things and characteristics that I have that do not satisfy his male ego. Akmang tatalikod na siya pero hindi yata ako papayag na ako ang talikuran niya pagkatapos niya akong insultuhin nang harap-harapan.

"Vivero, hindi pa tapos ang punishment mo."

Hinila ko siya sa kan'yang braso at iniharap sa akin. Nagtaas siya ng kilay.

"Bumalik ka riyan at hindi pa tapos ang punishment mo. Who said that you already have the permission to go home? Hindi pa malinis ang buong comfort room."

Itinulak ko siya sa balikat papasok ng comfort room. Nakangisi pa rin siya. Animo ay naisahan niya talaga ako dahil sa sinabi niya. Pagpasok niya sa loob ng comfort room, sinipa niya pa iyong timba kaya natapon ang tubig. Masama ang tingin nito sa akin nang muling kunin ang mop.

Nang makapasok siya sa dulong bahagi ng comfort room ay hinila ko na ang pinto at ini-lock mula sa labas. I have with me the key. I let an evil laugh. Hindi niya iyon mabubuksan sa loob dahil sira iyon at aayusin pa lang bukas. At hindi siya makalalabas diyan hangga't hindi ko binubuksan.

"Espe!" Kinalabog niya ang pinto, iritado na. "Kaya kong sirain ang pintong ito!"

Tignan mo nga naman, nagyayabang pa rin.

"I will report you to your SSG Adviser."

"Sige, kapag nakalabas ka na diyan."

I feel so powerful. Kumuha ako ng monoblock at umupo sa tapat ng pinto. Saka ko na lang iyan bubuksan kapag narinig ko na ang nais kong marinig sa kan'ya.

"Asia! I can break this door, I am telling you!"

"Wala namang pumipigil sa'yo na sirain 'yan para makalabas ka, Vivero." I provoked him even more.

"Damn it! What do you want?" iritado nang aniya.

"Simple, Vivero. You are supposed to take back the words you said but we already learned about that. Utterances are irrevocable. But this time, gusto kong ulitin mo ang sinabi mo but in a negation form—"

In the Heart of Horizon (Sunset Avenues #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon