Chapter 29

94 1 0
                                    

Chapter 29

Eyes 


         Kailan naging madali ang pagtalikod? Kailan naging madali ang paghakbang palayo? Kailan ka naging malaya mula sa gapos na pumipigil sa'yo? Sa nakaraan na kumakatok, sa huni ng mga ibon na nagmumula sa gubat kung saan ka naroon.. Dati.

Tumingala ako sa mga ulap. Sumibol sa akin ang pakiramdam na naroon ako, ang pakiramdam na dinuduyan ako nito. And perhaps I longed for that feeling that I have forgotten about the freedom the clouds bring. Ngunit ang mga ulap na iyon ay natabunan ng mga sanga.

Umingit ang tuyong dahon dahil sa aking paghakbang. Ang oras na inilaan ko dito ay panandalian lamang kaya dapat ay bilisan ko na. Hindi dapat ako gabihin dahil kailangan kong tandaan na mag-isa lang ako sa gubat.

It was set in ruins a decade ago, Asia. Memories became the only remains of what once to be a safe sanctuary. But in my vivid memory of the forest, I could hear Asia, I could hear my Papa's voice here. I could almost hear everything. Everything.. ngunit hindi na iyon kagaya ng dati. Hindi na kagaya ng dati pero naroon pa rin ang natira mula sa sunog — the ruins.

Nagpakawala ako ng buntong-hininga. Hinawi ko ang aking buhok sa likod. Perhaps, it will be easier to negotiate. Only if Papa's relatives weren't so greedy of money. Sana sa amin pa ang lupaing ito. Pero hindi na.. Ang tanging narito na lamang ay mga alaala ko ng kabataan ko.

Tahimik ang paligid at mistulang ang aking naririnig ay ang pagbagsak ng tubig mula sa talon. Gusto kong puntahan iyon.. kagaya ng dati. Kapag gusto kong magpahinga. But I don't understand the tremble in my heart. When it shouldn't be.. I am asking myself again kung para saan pa iyon.

A decade has passed, Asia. Higit pa sa isang dekada. Hindi na ito kagaya ng dating iniwan mo. You were so young before and didn't know much about life. Wildflowers grew in that forest. Iyon ang iniwan ng aming pag-alis. Sa tagal na nga ng panahon..

We were just so young to know that we fell before we knew what the word meant. We were so young to realize..

"Ate, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko roon. Hindi ko ho kayang mag-isa.." halos magmakaawa nang sambit ko. I sounded so foolish in that airport. Para akong bata na sa unang pagkakataon ay mawawalay sa kan'yang magulang.

"Hindi mo pa ba nakakalimutan ang lalakeng iyon, Asia?"

"Hindi pwedeng hindi ka matuloy sa Hong Kong, malaki na ang nagastos sa'yo at hindi pwedeng biguin mo ang—malaki ang babayaran natin kapag hindi natuloy ang kontrata, Asia. Kakailanganin pa natin sa pagpapagamot ni Papa! At hindi ba.."

"Hindi ba gusto mong mag-aral? Kapag nakapag-ipon ka, mag-aaral ka ulit..."

Gaano nga ba kahirap ang buhay? Gaano nga ba kasakit ang mawalay sa pamilya? Gaano kahirap ang mamuhay nang mag-isa? Humakbang ako papasok ng eroplano. Sabihin nating malapit lamang ang Hong Kong sa distansya nito sa Pilipinas. Pero ang maramdaman na.. malayo ako.

Kumaway sa akin si Ate habang humahakbang na ako. Pinahid ko ang aking luha. And I realized then that I have no choice. Nakatatak sa isip ko ang lahat ng iniwan ko, ang lahat ng tinalikuran, ang lahat ng isinakripisyo upang marating lamang iyon.

I stayed there for two years. Until I found out that Bren was there too. Maaaring masyado kong pinagsawalang-bahala iyon at nasa isip na..may ginagawa lang siya para sa negosyo.

He helped me.. He helped me get through it. But the heart does only belong to someone else — to something that it desires. At wala nang iba pang makakabura ng pangalang nakatatak sa puso, lumipas man ang panahon at kahit pa nakakilala na ng ibang tao.

In the Heart of Horizon (Sunset Avenues #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon