Chapter 10

101 4 0
                                    

Chapter 10 

Vandam 

"Tighten your hold, President."

Napatili ako nang mas lalo pang bumilis ang pagpapatakbo niya. I was so nervous because it was raining. Palakas nang palakas ang pagbuhos ng ulan at sabayan pa ng pagkulog at pagkidlat.

"Vivero, pwede bang bagalan mo naman?"

Droplets of raindrops just fell on my face. At hindi ko rin maimulat ang aking mata dahil sinasabayan ng hangin ang ulan. Mas humigpit ang aking pagkakahawak sa laylayan ng kan'yang uniform. Kulang na lang ay punitin ko iyon dahil sa higpit.

"Tatamaan na tayo ng kidlat, Vivero, you fool! Bilisan mo!"

"Ano? Anong sabi mo? Hindi kita marinig, Espe!" he laughed evilly.

Sa inis ko ay nasapak ko siya. Nasa pagitan namin ang aking bag, na sana ay hindi mabasa. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kan'ya, kung uutusan ko ba siyang bilisan ang pagpapatakbo dahil nakakatakot ang pagkulog at pagkidlat o bagalan dahil natatakot ako na maaari kaming maaksidente?

"Basta iuwi mo akong buhay!"

Halos malagutan na ako ng hininga nang marating namin ang sakahan. Tumigil kami roon, lalakarin na lang iyong pilapil bago marating ang aming bahay. Bumaba na ako kaagad dahil natatakot din ako kay Papa na makita kaming dalawa ni Vivero.

I hugged my bag. Didiretso na sana ako nang walang anumang salitang nanggagaling sa akin.. pero naalala ko pa rin ang ginawa niya. But nevertheless, pareho lang din naman iyon. Ang kapalit ng pag-angkas ko sa kan'yang sasakyan ay ang takot na binigay niya sa akin.

From the consequences of being with him on a rainy night.

Subalit sa gitna ng pagbuhos ng ulan, kahit naroon na ako sa pilapil, bitbit ang aking basang sapatos at niyayakap ang aking dalang bag ay nilingon ko pa rin siya. Nakaangkas pa rin sa kan'yang motor sa gilid ng kalsada. Sa huli ay kumaway ako. Malapit na lang din naman ang Cape Vivero dito kung sa konkretong kalsada siya dadaan.

Pag-uwi ko sa bahay, nalaman ko kay Mama na flat iyong motorsiklo at siguro naroon pa si Papa sa vulcanizing shop. Nang umuwi siya ay itinanong pa niya sa akin kung paano ako nakauwi. Hindi ko naman masabing inihatid ako ni Vivero kaya... sinabi kong kasama ko sila Jhona.

I have always thought then that the rain is romantic.. just like what I read in books. But with the thunder and storms? It just ruined my perception of how it should be.. under the pouring rain, with the sound of laughter.

Simula next week ay papasok na ang Septiembre. Sunod sunod ang mga dapat na gagawin. Iyon dapat ang iniisip ko ngayon. Kinausap ko si Ate tungkol sa pagbili ng laptop pero sinabi niyang sa pagtatapos ko na lang ng high school. Naiintindihan ko naman na wala siyang budget. Kaya kahit papaano naman ay kaya pa ang pagpunta sa computer shop.

I could still remember, it was the end of August, the celebration of our Buwan ng Wika. We did an interpretative dance and he was my partner. Wala namang kaso iyon sa akin dahil buong section naman namin ang nagtanghal pero iba noong mismong sayaw na.

Something I have seen in his eyes, for a fleeting moment, I think I have seen the Vandam..

Tignan mo sa mismong mga mata, Asia. Si Vivero lang iyan. Subalit hindi ko ginawa. The moment you start to look at someone with your closed eyes, you'd be directed to something you have never understood before. Kasi kapag nakapikit ka, hindi mo man pisikal na nakikita, nararamdaman mo iyon.

And it was.. scary. To be in the dark and gamble on feelings alone. Kapag kasi nakapikit ang ating mga mata at kulay itim ang nakikita, magagamit natin ang puso upang sa muli ay mamulat.

In the Heart of Horizon (Sunset Avenues #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon