Chapter 5

81 3 0
                                    

Chapter 5

Irresponsible


 "Bakit nakabusangot iyang mukha mo, Sha? Hindi ka ba pinansin ng crush mo?"

"Ate, hindi po ah? Hindi ko crush ang Vivero na 'yon. Never!"

"Ikaw ang bumanggit ng pangalan niya, Sha, ah? Hindi ako," pang-aasar ni Ate.

Ibinigay ko na lang kay Papa iyong cellphone para siya ang kumausap kay Ate dahil inaasar lang naman niya ako. Gayong lumagpas na yata sa huling lebel ang iritasyon ko roon.

Bakit naman siya magdadala ng mga kaibigan niya? Magkakalat na naman sila ng upos ng sigarilyo at mag-iiwan ng mga basyo ng bote. Kung totoong property nila iyon, dapat pangalagaan niya. Hindi iyong ganoong mag-iiwan pa ng basura doon.

Asia, hindi naman sa'yo 'yon. Bakit ka pa nangingialam?

Nagpagulong-gulong ako sa aking kama. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Sa sobrang inis ko kay Vivero ay baka magdala pa sa akin ng bangungot iyon. Hindi naman ako makapapayag na siya ang magiging dahilan ng maagang pagkamatay ko. Never.

Maaga pa lamang ay nagtungo na ako sa cottage malapit sa talon. At tama nga ako, sobrang dami ng upos ng sigarilyo at mga basyo ng alak ang nandoon. Grabe, hindi ba nila alam kung paano pulutin ang sarili nilang basura? Binilisan ko na lang ang pagpulot ng mga basura at paglagay n'on sa sako.

Sa susunod, baka magdala at mag-iwan ulit iyon ng basura. Nakakainis talaga.

Ang iritasyon ko kanina sa cottage ay nadala ko pa sa school. Maaga pa lamang ay busangot na ang aking mukha. Hindi pa ako pumasok sa aming classroom dahil nagbantay pa ako sa gate para i-check ang mga estudyanteng papasok.

"Pres, sorry po.. Naiwan ko kasi 'yong ID ko sa bahay," wika ng isang grade nine.

"Sige, pumasok ka na. Pero sa susunod, huwag mo nang kakalimutan ah?"

"Sige po, Pres."

Siniko ako ni Melvs. "Pres, tignan mo 'yon oh."

Mula sa kinatatayuan namin sa harap ng gate ay nakita namin sa parking space si Vivero. Naroon din si Angela. Magkaharap sila, nakasandal si Vivero sa kan'yang big bike at kaharap niya si Angela.

Pumamaywang ako. Tignan mo nga naman ang transferee na ito. Kumulo pa ang dugo ko dahil napansin kong umiiyak na si Angela sa harap niya at napapatingin pa roon ang mga estudyante pero siya ay parang balewala lang. Balewalang may umiiyak na babae sa harap niya at baka nalaman ni Angela kung ano talagang klase ng lalake iyang si Vivero.

Kalma, Asia, hindi mo iyan problema.

Ilang beses ko na bang sinabi sa sarili ko ito? Hindi na yata mabilang. Hindi dapat ako nakikialam kasi problema nila iyan pero may pakialam ako kay Angela.

"Bakit kaya umiiyak si Angela, Pres?"

She used to be a sweet and kind girl. Ganoon pa rin naman ang persepsyon ko sa kan'ya pero magmula noong dumating ang Vivero na iyan dito ay parang nagbago na rin si Angela.

"Lovers' quarrel yata, Pres," sambit ni Melvs.

"Hayaan mo na.." bulong ko.

"Pres, naging sila ba talaga? O baka si Angela lang talaga ang umasa?"

"Kasalanan na 'yan ni Angela kung bakit umasa," sagot naman ng isa pang officer.

"Hindi," angil ko. "Walang kasalanan si Angela. Ang lokong iyan ang puno't dulo ng lahat. Kung hindi sana siya nag-transfer, maayos sana ang takbo ng buhay ng bawat estudyante rito. Hindi na sana.. Tss."

In the Heart of Horizon (Sunset Avenues #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon