Chapter 18

91 1 1
                                    

Chapter 18

Kiss

I stayed because I was heavily indebted. But for him, I would twist my words and all those things that I have believed in.

Nagkibit ako ng balikat at nakapagdesisyon na hindi ko na babawiin ang kung anumang nasabi ko sa kan'ya. Ibinaba ko ang aking kamao sa ambang pagkatok sa kan'yang silid. I wanted to reiterate the words but not in a way that I sound so ungrateful. But if that was his own interpretation of it or so..

Hindi ako nakatulog sa gabing iyon. Bukod sa panaka-nakang pagsigaw ni Papa ay iniisip ko pa rin ang pag-uusap namin ni Vance. I closed my eyes tightly. Even if I heavily reminded myself that I should think about the debt and not him, I couldn't help it.

He saved me.. He saved us. But I don't want to think that he's someone.. perhaps..

Umiling ako. No, Asia. You no longer have time for that.

Sumisikat na ang araw at pumapasok ang liwanag sa bintana ng silid nang maidlip ako upang sa huli ay maalimpungatan dahil naramdaman kong wala na si Papa sa silid. I immediately went out of the room. Mabilis pa sa alas kwatrong nagtatakbo. Hindi na alintana ang tingin sa akin ng lahat.

Because it's true, that mansion has an eerie feeling because of the people there. But my concern was my father.

Tinungo ko ang gubat. Tinakbo ko ang distansya papunta ng bahay namin at doon ko nakita ang likod ni Papa. Nakatingin lamang siya sa aming bahay. I bit my lower lip to suppress my sobs. I no longer have time to cry or to blame my mother, blame myself or to even subject myself in anger. I no longer have time.

Because this time, this is now my reality, our reality. Mama cheated on my father. Si Ate ay mistulang nawala na parang bula. Papa lost a part of him. Our house was burnt and I was left with a responsibility. To stand and be the arms for my Papa. Nagpakawala ako ng buntong hininga at tiningala ang kalangitan.

"Papa," I slowly muttered as I took a step towards him.

Hindi siya lumingon. Idinantay ko ang aking kamay sa kan'yang balikat, as if telling him na naroon pa rin ako at hindi ko siya iiwan.

"Bukas na bukas, sasama ka kay Luz, ang kapatid kong nakapag-aral sa Manila," ani Papa. Malamig ang kan'yang boses at walang kabuhay-buhay. Nangunot ang aking noo.

"Papa? Anong sinasabi niyo?" I was still in shock. Anong gagawin ko roon sa Manila?

"Hindi ho ako aalis," giit ko.

"Ako na ang nagsasabi, Asia, aalis ka ng probinsya at sasama ka sa tiyahin mo."

"Papa, hindi ko po kayang iwan!" I almost screamed.

Namumuo na ang luha sa gilid ng aking mata. Ako na lang ang mayroon sa kan'ya. Siya na lang ang mayroon sa akin. At kung aalis ako at magkakahiwalay pa kami, hindi ako mabubuhay. I can't leave without the only parent that I have.

"Papa..hindi ko kakayanin.."

"Ayusin mo ang sarili mo, mamaya na tayo mag-usap. Susunduin tayo maya-maya ng pulisya. Kakausapin ka ng Mama mo.."

Nanghina ako sa narinig. Sinasabi sa akin ng pagkakataon na iyon na maghihiwalay na nga si Mama at Papa. Sinundo kami ng police mobile at dinala sa barangay hall. Nakita ko kaagad doon si Mama at ang kan'yang asawang dayuhan.

Kumuyom ang aking kamao pero hindi ako nagsalita. Pinaupo ako, kasama ang dalawang tiyahin ko, si Tiya Luz at si Tiya Helen, habang naroon si Papa sa likuran at hindi rin nagsasalita.

"Asia.." my Mama's voice. I tightly closed my eyes. Nagsasalita ang kapitan ukol sa bagong set-up na mangyayari. Talagang hiwalay na si Papa at Mama, hindi man pormal sa mata ng batas pero sa lahat ng aspeto ay wala ng bisa ang sinumpaan nilang kasal. Ganoon lang kadali.

In the Heart of Horizon (Sunset Avenues #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon