Chapter 1

258 8 3
                                    

Chapter 1

Above

Ga-graduate ako ng high school na valedictorian, papasa ako sa nanaisin kong unibersidad sa kolehiyo dahil matataas naman ang grades ko. Makalipas ang apat na taon na kurso, kukuha ako ng abogasya. I will make my parents proud of me. And by then, I'd start to date the man of my standards and dreams.

I even started to count the days.. months.. and years.. as I thought everything will fall back according to what I have planned. Dahil naniniwala akong, kapag may pangarap ka at sinabayan mo ng sikap, makakamit mo iyon.

I would conquer the timeframe I have given for my dreams.

Ibinaba ko ang binabasa kong libro at sinulyapan pa ang hacienda. Palasyo na kung maituturing ang Cape Vivero ah? Siguro kahit sa loob ng ilang araw ay hindi ko malilibot iyan. Kung bilang lang kaya ang mga taong nandiyan, nakikita pa kaya nila ang isa't isa? Siguro ay hindi na?

"Sha, bumaba ka na riyan!"

"Mamaya na po, Papa!"

Hm. Sobrang ganda at sa lawak ba naman kasi ng kanilang mansion. Napakalawak din ng lupain na nakapaligid sa kanilang mansion. Tanaw ko iyon mula sa itinayong tree house ni Papa. At para talagang isang kastilyo na itinayo sa gitna ng burol. Napapaligiran lamang ng hacienda.

"Kain na ng umagahan! Bumaba ka na riyan!"

"Teka lang po, Papa!"

Sinipat ko pa ng tingin ang mansion. Kailan kayo ako makapupunta riyan nang hindi inaangilan ng mga kasambahay at mga tauhan nila? Kunsabagay ay ginagawa rin naman nila iyon hindi dahil kagustuhan nila, kung hindi ay dahil masungit at istrikta ang nakatira sa kanilang mansion.

Evil witch ba, Sha? Oo, demonyo talaga. Ang prinsipeng nariyan? Umismid ako. Mula pa pagkabata ko talaga, naririnig ko na sa mga tauhan ng Cape Vivero na hindi lang evil witch ang nandiyan kung hindi ay isa ring evil prince.

Sana wala siya sa darating na summer. At nagpapasalamat akong hindi ko pa siya nakikita talaga. At wala akong balak na makita siya. Mas mabuti sana kung si Alejandros ang bibisita sa Cape Vivero, gwapo rin iyon at mas mabait pa kung ikukumpara sa prinsipe ng Cape Vivero.

"Sha, baba ka na! Tumatawag ang kapatid mo."

"Talaga, Papa? Si Ate na ba iyan?"

Bumaba ako mula sa tree house at nagmamadaling tumakbo upang tunguhin na ang aming bahay. Kaming pamilya lang ang naroon. Walang kapitbahay. Iyon kasi ang lupain na minana pa ni Papa sa aking Lolo at Lola bago sila pumanaw kaya roon na rin kami at talagang malaki ang pagpapahalaga ni Papa sa lupaing iyon.

"Nandiyan na si Sha, Suzette."

Isinubo ko ang ensaymada at naglagay ng softdrinks sa aking baso. Kaharap ko sa cellphone ang aking nakatatandang kapatid. Ilang buwan na rin siya sa Saudi Arabia bilang isang OFW.

"Ate, iyong bagong cellphone ko ah?"

"Oo," tumatawang sagot niya. "Pero mas lalo mo pang pagbutihin ang pag-aaral mo. Huwag ka pang mag-boyfriend kung sakali."

"Wala, walang nagkakagusto riyan kay Sha, hindi naman kasi palaayos," pang-aasar sa akin ni Mama.

"Mag-ayos ka kasi minsan, nang may dumalaw dito at ligawan ka," panggagatong naman ni Papa.

Ngumuso ako. Ano namang magagawa ko, kung wala naman talagang nagkakagusto sa akin? At tsaka.. wala talagang pumapasa para sa akin sa mga lalake sa school namin.

May mga gwapo pa rin naman, hindi ko maikakaila pero hindi ko naman hanap ang gwapo. Lalo na kung sa akin din naman nagpapaturo ng lessons o hindi kaya ay nangongopya. Huwag na lang. Maghahanap lang ako ng problema ko.

In the Heart of Horizon (Sunset Avenues #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon