Chapter 4

80 2 0
                                    

Chapter 4

Playboy


 Never speaks of definite. Iyon talaga ang paninindigan ko.

If you think that I am not your type, then Vivero, the feeling is mutual. Kahit kailan, kahit sabihin mong nagpapapansin ako, hindi ikaw ang magiging tipo ko. Wala sa bokabularyo ko ang magpapansin sa kagaya niya.

The knuckles.. That's a deadly weapon, paanong may ganoon siya?

Pero kung mayroon na ngang police records, minor pa lang, eh hindi na nakapagtataka pa iyon. Kaya naman pala lapitin ng gulo dahil siya naman mismo ang panggulo.

Diretso na ako sa kama nang makauwi kami. Pagod na pagod na ang isip at katawan ko, unang linggo pa lang ng pasukan. Humilata na lamang ako kahit hindi pa nakakapagpalit ng damit. Wala na rin naman na akong ginagawa pag-uwi dahil kadalasan si Papa o si Mama ang nagluluto at naghuhugas ng pinggan.

Ipinikit ko ang aking mata pero hindi mawala sa isip ko ang nasaksihan ko. Kahit napaharap na ako sa mga pasaway na estudyante sa school, hindi pa naman umaabot sa pontong ganoon. Iyong may kasama ng deadly weapon!

Aminin ko man o hindi pero may naramdaman akong takot.

I do think sometimes that I am already brave enough as the SSG President. I could give my commands firmly and discipline my fellow. Pero kanina at noon sa pagkakataong sinuntok niya ang isang estudyante, it's true that it's already outside of the school and it's not school hours, but why do I feel like.. hindi lang ako nadismaya sa kinikilos niya.

Pati ang sarili ko ay sinisisi ko rin dahil pakiramdam ko ay wala akong nagawa. I feel so weak and defenseless just because I have seen him that violent. Kaya pa nga niyang manakit ng estudyante sa harapan ko, what's the uncertainty that he wouldn't physically harm me?

Nakapikit na ang aking mga mata pero iyon pa rin ang nasa isip ko. Dumating ang bukas at tinulungan ko si Mama na maglaba pero pinagsabihan niya akong huwag na at gawin ko na lang ang gawain ko sa school o hindi kaya ay magpahinga na lang ako. 

Vance.. I hate him that's for sure and that line is not applicable to all instances. Hindi sa lahat ng tao. Never. Never. Isusumpa ko ang araw na magugustuhan ko ang lalakeng iyon. Nakapangako na ako sa sarili ko, noon pa lang, na hindi ganoon ang magugustuhan ko. Not his type.

Because it's Saturday, sumama ako kay Papa sa palaisdaan. Hindi sa kan'ya iyon at pag-aari ng isang kamag-anak din namin. Siya lang ang nag-aalaga at nagbabantay ng palaisdaan.

Pinanood ko ang mga isda. Kinuha ko rin iyong feeds at nagpakain na lang ako sa fishpond. Nasa isip ko pa rin ang nasaksihan ko kahapon. Kahit yata iuntog ko ang ulo ko ay hindi na iyon mawala sa isip ko. Sa tingin ko pa nga, naging isda na si Vivero at may buntot.

Hapon na nang umuwi kami sa amin. Bukas ng Linggo ay pupunta kami nila Papa at Mama sa Laoag para kunin ang padala ni Ate. Kahit papaano ay excited na ako roon. Pagkauwi namin sa hapon, nagpaiwan ako sa talon.

Walang tao. Mabuti naman at wala iyong Vivero dito. Doon na muna ako nagpahinga at napangiwi nang pumunta ako sa cottage at hindi na lamang upos ng sigarilyo ang nandoon kung hindi ay may isa pang bote ng alak. Kanino naman iyan kung hindi ay sa kan'ya?

Napangiwi na lang ako. Nawala na rin ang gana kong magtagal pa roon sa talon. Bumalik na lang ako sa bahay at kumain na kami ng hapunan.

Hindi naman masyadong nagtatanong sila Mama at Papa tungkol sa pag-aaral ko dahil siguro ay inaasahan na nilang wala naman akong ginagawa talaga kung hindi ang mag-aral kaya bakit hindi ko pa pagbutihin? They know it very well how competitive I am at school and how I value my academics.

In the Heart of Horizon (Sunset Avenues #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon