Chapter 25

94 0 0
                                    

Chapter 25

Storm

I pick my own battle. I choose my own troubles.

I never had a thing for trouble as I think of the future. But I did love the troubled person that brought me into a game of mind and heart. Just even before I knew what this word meant for me or for all the troubled people fighting for their unspoken battles. If love is indeed a universal truth that will lead someone to a pedestal.. of change and development.

Or if it is just an abstract idea that forms the way we should think and act.. Or is it just a justification for other truths.. or other abstract ideas. Do I really know what it means to be truly in love or to love a person? What more to an unstable self in a crossroads?

The heavy rain is pouring outside. Tumatagas ang bubong at hindi ako mapakali sa paglalagay ng timba, tambo o kahit na iyong pitsel. Nakakatakot dahil nasa isip kong mura ang renta sa apartment dahil madalas iyong binabaha. Kung hindi titila ang ulan..

Pumunta ako sa sulok ng apartment, kung saan hindi ako aabutin ng baha kung saka-sakali. May konti akong alam sa mga sakuna pero hindi ko alam kung kakayanin kong mag-isa. I was nearly hyperventilating because I realized that I was indeed alone in that pouring storm.

Magkadaop ang palad at yakap ang sarili. I was blindly whispering for the rain to stop. It was heavy and it was so scary. The thunderstorms.. the lightning.. and the fact of being alone in that dark. Hindi ko alam kung anong unang sasagipin ko kung saka-sakali o kung may masasagip pa ba ako roon.

Hindi ako nakatulog sa buong magdamag. Nakatitig lamang ako sa bubong at hinihintay na bumalik ang kuryente. That night, I realized that the rain is not always comforting.. It is troublesome. It is scary.

Tumila na ang ulan kinabukasan at bakas sa daan ang naipong tubig baha. Sinuong ko pa rin iyon. Pumunta pa rin ako sa trabaho, umulan man o umaraw. Kailangan na kailangan ko ng pera kaya hindi pwedeng lumiban. Sumisilong ako sa mga establisyemento sa tuwing umaamba ang pag-ulan. I have to work but I couldn't afford to get sick.

"Namumugto yata ang mata mo, Asia? Hindi ka nakatulog?

"Huh? Sinisipon lang kaya ganiyan.."

Matumal ang mga taong nagpupunta dahil yata sa panahon. Pero pagdating ng lunch ay may naghahanap daw ulit sa akin. Paglabas ko sa kusina ay ganoon na lamang ulit ang panginginig ko nang naroon sa isang mesa sila Tiya Luz at ang kan'yang buong pamilya.

Huwag.. huwag na huwag mo silang papansinin, huwag na huwag mong ipaparamdam na apektado ka sa kanila.

"Ah, si Asia, dito nagtatrabaho?" dinig kong sabi ni Tiya Luz. Kausap niya si Bren mula sa counter.

"Ah ang batang iyon, pinapatuloy ko sa bahay pero ayaw naman, mas pinipiling mangupahan. Mataas ang pride. Ako na mismo ang nag-aalok ng tulong para mapabuti ang buhay pero ganiyan pa rin at mailap. Mataas ang pride."

Nagpigil akong humarap. I knew that it was Hazel who told Tiya Luz.

"Hindi ho natin alam ang pinagdadaanan," sagot naman ni Bren.

"Naaawa nga ako sa kan'ya eh.." she said as if she's pitying me so much.

Hindi na sumagot si Bren at nginitian si Tiya. Nilapitan niya ako at tinanong kung ayos lang o may hindi ba kami pagkakaunawaan ng tiyahin kong iyon. Hindi ako sumagot dahil sa panginginig. I couldn't even mutter a thing because I was so afraid that I would just break anytime soon.

Maaga akong nag-out sa trabaho. Sarado daw ang club at bar kaya hindi ako maagang uuwi ng apartment. Sana lang ay hindi umulan.. I went straight to the monument, spent the time there and watched the people in their passing times.

In the Heart of Horizon (Sunset Avenues #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon