Chapter 8

80 1 0
                                    

Chapter 8

T-Shirt

Nakatitig lamang ako sa kan'yang likod. Hindi makapaniwalang kasama ko si Vivero at hindi kami nag-uusap kahit kaming dalawa lamang. Normally, baka ngayon ay nagdedebate na kami kung hindi naman ay nagkakaubusan ng pasensya. Pero hindi.. I was just following his steps. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa akin para sundan siya pero iyon pa rin ang ginawa ko.

"Hoy, ihahatid mo ba talaga ako?" I asked after a time of silence.

Tumigil siya. Nasa entrada na kami papasok ng gubat. Doon itinali kanina ni Bren iyong kabayo.

"Sinabi ni Lolo na ihahatid kita. Wala akong magagawa kahit maligno ka pa."

"Hoy!" I wrinkled my nose. "Anong maligno na naman?" Nagdikit ang aking kilay.

Nilagpasan ko siya, iritadong-iritado na. Ngayon lang ako ginabi nang ganito at sa gubat pa. Hindi naman ako natatakot kung ako lang mag-isa. Kaysa naman ang tawagin akong maligno ng taong 'to.

"Mamaya nagkatotoo iyang maligno na sinasabi mo ah? Baka makasalubong pa natin diyan sa gubat.." iritado pa ring sambit ko.

He chuckled, he got the satisfaction from watching me being affected.

"Huwag ka na ngang sumunod, Vivero. Hindi ikaw si Vance Damien Vivero kung ihahatid mo ako. Isa pa, kaya ko namang ihatid ang sarili ko," I rolled my eyes.

"Tss. Maglakad ka na nga lang, Espe!" Tinulak pa niya ako sa balikat.

"May cellphone ka ba riyan?" wika ko. Papasok na kami sa gubat at hindi na gaanong maliwanag dahil natatakpan na ang buwan ng mga dahon at sanga ng puno.

"Wala. Naiwan ko sa motor ko. Bakit?"

Pumamaywang ako. "Paano ngayon 'yan? Ano? Kakapa tayo sa gubat? Dadaan pa tayo sa talon. At walang ilaw? Baka magkatotoo 'yang sinasabi mong maligno!"

"Magigising sila dahil diyan sa malakas mong boses. Bakit hindi ka na lang kasi maglakad, ha, Espe?"

"Huwag mo nga akong tawagin na Espe!"

"Just walk, damn it! Kung madapa ka man, wala na akong pakialam."

I pursed my lips. Umuusok na naman ang ilong at tainga ko sa labis na inis. Maglalakad kami sa gubat na wala man lang kahit na anong ilaw!

Gumagawa pa ng kaluskos ang mga natatapakan naming tuyong dahon at nakakatakot na paano na lang kung ahas ang matapakan namin sa paglalakad dahil walang flashlight! Tumigil ako sa paglalakad dahil natatakot talaga akong makagat ng ahas, lalo na at madilim!

"Will you just walk, Espe?" iritado na ring sambit ni Vivero.

"Bakit kasi hindi mo dinala ang cellphone mo?!" I stomped my feet out of frustration.

"To begin with, why did you even walk your way to Cape Vivero?"

"Napag-utusan lang akong ibigay iyong letter at notes, sinabi ko na hindi ba? Magpasalamat ka pa nga at nagkusang loob ako kung hindi ay.."

This is getting me frustrated! Palagi naman kapag kasama ko ang lalakeng ito. Pero bukod pa sa natatakot akong may tumuklaw sa amin na ahas, natatakot din akong mapagalitan ni Papa.

"Why can't you just admit that you miss me?"

Hindi na ako nakapagpigil at pinatid ko siya nang akmang mauuna na siya sa akin sa paglalakad. He nearly fell flat on his face. Pero noong ako naman sana ang hahakbang ay nahuli pa sa nakausling ugat ng puno ang aking paa. At muntik na rin akong sumubsob sa lupa!

In the Heart of Horizon (Sunset Avenues #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon