Chapter 23

86 3 0
                                    

Chapter 23

Sink

I said that for him and not for myself. Pero kabaliktaran yata ang nangyayari.

"If you want to date me, then change," hamon ko.

Matagal ko siyang tinitigan. Mula sa gulat ay napalitan ang sinasabi ng kan'yang mga mata. His eyes speak for determination, something that I would fail to believe. Dahil kilala ko na nga siya. Just by looking at him, I would remember all the girls that he had dated before or perhaps his flings.

I uttered that to somehow make him give up. Pero nagulat ako nang nagtaas siya ng kilay at ipinagdaop ang mga palad sa kan'yang baba.

Then he looked at me as he smirked. "What is my reward if you get that change then? Be my girlfriend?"

"You don't do girlfriends, Vivero." I almost laughed. "Kung hindi pa obvious."

"Well." He inched closer. Natigil ako sa pagnguya, lalo na nang makita ko ang sinasabi ng kan'yang labi. "I do the girlfriend- courtship- thing now."

Hindi ko alam kung hinahamon ako o inaasar.

"Well, you also do know that I have high standards, Vivero. Give up now. Ngayon pa lang dapat ay pasuko ka na."

"Hindi na baleng hindi ko iyon maabot o mapantayan, Asia Esperanza Belmonte. But you see, I will be your own standard. Sasagutin mo rin ako." He winked.

I looked at him as he bid his goodbye, with the irritating look on his face. Napatulala ako. I couldn't believe that I was blushing and it was because of that Vance. Hindi ko tuloy maiwasang huwag iyong isipin habang nasa trabaho na ako. Bren was there too and he introduced me as someone he knows.

"Thank you pala sa tulong mo, Bren."

"Wala iyon. Tsaka pursigido ka talagang magtrabaho ah?"

"Huh.. Oo.. May pinag-iipunan kasi.."

Nakapagpasalamat na ako sa kan'ya pero sinabi niyang hindi lang naman iyon dahil sa kakilala niya ako kaya ako natanggap. Kasosyo niya ang may-ari ng restaurant na iyon. Mabait din kagaya niya. I was startled again when I heard my phone ringing. Muli ring napairap sa gitna ng paghuhugas nang mapagtantong si Vance iyon.

"Sino iyan? Baka importante, sagutin mo," sambit ni Bren.

"Ah? hindi naman importante," sagot ko. "Tsaka oras ng trabaho."

Pinagpatuloy ko ulit ang trabaho. Ang break na mayroon ako ay kinausap ko na lang sila Tiya Milagring. Nagtitipid pa rin naman ako sa pagkain kahit paano. May mga natitirang pagkain na dinadala sa kitchen na halos hindi pa nagagalaw ng mga customers at ang iba sa amin ay hindi na lang nangingimi na kainin ang mga tirang iyon. Halos wala ring break dahil dagsaan ang mga tao.

I looked at my phone again, dahil patuloy sa pagvi-vibrate. Ang isa sa mga boss ay tinignan na ako na nagsasabing sagutin ko na kung sino man ang tumatawag. It was Vance. Lumabas ako sa oras ng break sa fire exit upang sagutin ang tawag niya.

"I am serious about courting you. So tell me where you are right now, Asia."

"Vance, nasa trabaho ako," wika ko. "Mamaya ka na tumawag."

"Mamaya na ako tumawag? So you are giving me permission to call you? I can call later? After your work? I'll fetch you. You don't have to work in that bar. I will talk to-"

"Vandam," kaagad na sansala ko sa sinasabi niya. Nag-iinit ang aking pisngi. Because I was new to that. At siya pa.

"Fuck. Call me Vandam again, please?"

In the Heart of Horizon (Sunset Avenues #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon