Chapter 17

102 2 0
                                    

Chapter 17

Indebted

I owe him, that's it.

Mag-iisang buwan na kami roon sa hospital. And I didn't know back then what's the saddest place ever invented.. the hospital.. an empty house.. a deserted forest. Or everything in between. But beneath a happy place is a sorrowful soul.

Dumating na rin sa Norte ang kapatid ni Papa. Nagbigay siya ng ilang libo pero hindi pa rin iyon sapat sa lahat ng gastusin.

"Tumigil ka na muna sa pag-aaral, Asia. Kapag umalis ka ng bahay niyo, paano kayo ng Papa mo?"

Nanatili akong nakatulala habang pinagmamasdan si Papa na natutulog. At kahit gising siya ay hindi pa rin naman namin siya makausap. Naririnig ko ang sinasabi ng mga tao, ng mga kumakausap sa aking nurse at doctor, miski ang boses ni Tiya.

My aunt's advice echoed. Subalit hindi ako sumagot sa sinabi niya. Siya ang pumuno sa babayaran namin sa pagkakaospital ni Papa. At ang ilang libong binigay niya ay ang pang-araw-araw na naming gastusin.

"Si Nerva? Ang putang iyon! Hindi man lang binisita ang Papa mo? Anong klaseng asawa iyon?"

"Nang iwanan kami ni Mama ay tinapos na rin niya ang pagiging ina sa akin at asawa kay Papa, Tiya," walang emosyong sambit ko. Tinatanggap na nga na iyon na ang kapalaran namin ni Papa.

My future is already blurry after that accident. Pati ang kay Papa. The physical wounds may heal but not the emotional wound of losing a part of him. Halos hindi ko siya makausap nang buo kapag naroon ako sa kan'yang silid.

It has been almost a month and I could no longer endure it. Pakiramdam ko ay kumakapit na lang ako sa isang lubid upang manatili pa. Bumuntong-hininga si Tiya. Kapag gusto naming bumalik sa dati ang buhay ni Papa, kailangan na niya ng therapy. At hindi ko rin alam kung saan ako kukuha ng pambayad doon.

Iniisip ko ang pagtatrabaho ngunit ang naging karanasan ko lang noon ay maging tindera sa isang store at pandagdag lamang sa allowance ko. Ngayon na.. ngayon na sa akin nakaatang ang lahat ng responsibilidad ay hindi ko yata kakayanin. Hindi ko alam kung paano pagkakasyahin ang lahat ng mga iyon sa isip ko. I have experienced budgeting and planning way back in high school but is that enough?

Lalo na kung sa akin na manggagaling ang lahat? At kung susuko ako, paano na?

"Iyang lalakeng nasa labas, Asia, boyfriend mo ba iyan? Alam ba ng Papa mong boyfriend mo iyan?" tanong ni Tiya.

"Hindi ko po siya boyfriend," diin ko.

He's neither a boyfriend nor a suitor. As I don't have.. any feelings for him. Remember when you went to see the windmills and found him there? Hindi ba nag-usap na kayo roon? Kaya.. hindi ko siya manliligaw. And I don't consider him as an admirer.

"Eh ano mo siya kung ganoon?"

Nag-iwas ulit ako ng tingin. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Ayokong magsalita dahil ang sigurado pa lang naman noon ay alam ko sa sarili kong hindi ko gusto si Vance. Wala pa rin namang nagbago sa pananaw ko at sa nararamdaman ko. At sa kalagayan namin ni Papa? Ayokong ituon ang atensyon ko sa mga bagay na iyon.

"Ilang beses ko nang nakikita iyan dito ah? Siya ba ang sinasabi mong pinagkautangan mo ng pambayad dito sa hospital?"

"O-opo, Tiya."

"Eh 'di sobrang yaman niyan? Ano bang pangalan niyan?"

"Vance po. Vance Damien."

"Vivero?" Nanlaki ang kan'yang mata. Tumango ako.

Lumabas si Tiya upang kausapin si Vance. Mataman ko lamang silang pinapanood habang nakahalukipkip. Sa itsura naman ni Vance ay maayos naman niyang pinapakiusapan.

In the Heart of Horizon (Sunset Avenues #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon