Chapter 20

109 0 0
                                    

Chapter 20

Chase

Again.

Hinahabol ko ang aking hininga habang nakasandal sa pader. I closed my eyes as I felt like I was suffocated in that place. I didn't really acknowledge what's the cause of that suffocation. Is it the place, the crowded wild place or is it the person ruling that place?

Hindi ko alam kung paano. Kung magdedesisyon ba akong magtatagal ako roon. O baka nga ay uuwi na ako pero kung uuwi ako, paano ko makukuha ang sweldo ko? Hindi pa tapos ang shift ko sa araw na iyon..

I contemplated again as if seeing him again in that city made me tremble that much. Napahilamos na ako sa aking mukha. I was trying to forget his face while he's playing the drums and to think that he's the same guy whom I have given my virginity to.

Asia, ano ba naman? You have no business with him! Pwede naman na magkita kayo na parang kayo iyong dati o ano pa kaya ang pagpapakahulugan ko sa dati? And so? Meeting him would be what?

"Saan ka galing, Asia? Sasapit na ang umaga ah? Kanina ka pa wala? Kanina pa sila nakapag-ayos ng mga upuan at nakapagpunas na ng lamesa. Ikaw?" Nagsasarado na ang bar nang pumasok ako. Hindi ko namamalayan ang oras.

"Nag-cr lang po. Masakit kasi ang tiyan ko."

"Hindi kaya buntis ka?"

"Po?"

"Pero hindi ka naman mukhang buntis."

"Hindi po. Hindi po talaga ako buntis. Wala akong boyfriend," kaagad na sabi ko.

"Aba, sino bang maysabi na iyong mga may-boyfriend lang ang nabubuntis? Lalo na pala at nagtatrabaho ka sa club?"

"Hindi po. Hindi po ako buntis."

Dumiretso na ako sa maintenance room upang kunin iyong gagamitin kong panlinis. Kinakabahan pa ako nang lumabas ako, kahit na nga ba tapos na ang kasiyahan. At ang natatanging natitira na lang doon ay iyong mga basyo ng inuming alak. Ang bouncer ay kumakausap sa mga natitira pang lasing.

Inayos ko ang trabaho. Pagkatapos sa mga mesa, sa sofa, ay sa sahig naman. Umabot na ng alas sais ng umaga nang matapos ang paglilinis ko. Nakauwi na ako sa apartment ng alas sais y media. Humaplos sa aking mukha ang hangin na parang darating na ang buwan ng Disyembre. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko at dahil mag isa sa maingay at buhay na syudad ay mas naramdaman ko ang lamig.

Pumasok sa aking alaala ang buhay ko sa probinsya. I was mere seventeen then. And how I am disappointed with myself. Dahil nag-aaral na sana ako ngayon sa kolehiyo. Hindi sana ganito ang buhay ko..

But then it passed, Asia.. and you have to face what is in front of you. It could have been easy, right?

Ipinulupot ko ang aking sarili sa jacket, nilalakad na ang distansya ng bar sa paupahan malapit lamang kila Tiya Helen. Magmula noong umalis ako kila Tiya Luz ay naghanap na ako ng mauupahan, iyong pasok lamang sa budget ko. Bagkus wala pa ring kaalam- alam sa totoong nangyari si Tiya Helen.

Pumapasok na sa konting siwang ng bintana ang liwanag na nagmumula sa araw. Umaga na pero imbes na matulog ang pumasok sa isip ko ay hindi. May shift ako sa isang fast food crew, pagpasok ng alas otso at out ko naman ng alas cuatro.

Nasa isip kong may trenta minutos pa upang matulog. At pag-uwi naman sa hapon ay kikitain ko ang kakilala ni Tiya Helen na inirekomenda niya sa akin. Tatlong trabaho sa isang araw kung maaari at hindi pa iyon sapat sa lahat ng pinag-iipunan ko at ipapadala kila Tiya Milagring, para sa gastusin ni Papa.

Maiidlip na sana ako pero nang maisip ko ang bayarin ay parang nanlalamig na rin kaagad ang katawang lupa ko. Nahahati ang aking ipon kila Papa, sa pang araw-araw na gastusin ko, at sa pag iipon para sa pag-aaral ko at ang pagkontak ko muli kay Ate.

In the Heart of Horizon (Sunset Avenues #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon