Wakas

178 6 0
                                    

Wakas 

Life is short. It gets even shorter every single day. On the other hand, what makes life worth living is the memories that we paint in the skies, alongside our dreams. This is now the heart of the horizon, a breathing place, a place that allows us to see the world and dream. I hope to see the heart of the horizon, not just a symbolism of an ending, but also life's beginning.

Here's to the time that we take in fulfilling our dreams and waiting for that love. Vance Damien and Asia Esperanza are closing their eyes now with this final note. 'Till the next sunset avenue!

---

"Asia Esperanza Belmonte, Student President."

I blew the smoke upwards as I watched how her expression changed from calm to disgust. As if I made the biggest sin on Earth through this deed. Pinanood ko ang kan'yang pag-irap sa akin na parang bubulagta ako sa daan sa pag-irap niyang iyon. She took her time rolling her eyes and judging me through that glare. It felt like I had seen my final verdict through her glare.

There were moments during the last year of senior high school that perhaps she no longer remembered. Para sa akin ay parang kahapon lang din ang mga iyon.

If I were to describe her face at that moment, gusto kong matawa nang malakas. She looked like a definite fool. Crazily stupid.

Wala akong pakialam, tanga. Kahit ano pang gawin mo riyan. Not a mere officer can tame me down. Wala ngang magawa sa akin ang lolo ko eh? Ikaw pa kayang umiirap diyan.

Doon ko rin napasadahan ang aking hitsura sa salamin ng big bike. Sandali kong pinagmasdan ang poging mukha ko. Hindi kumpleto ang butones ng nakabukas na polo. May sugat pa sa kilay sanhi ng basag-ulo. May gasgas sa pisngi dahil sa motorsiklo. Namumula ang labi dahil ang gilid ay napaso ng sigarilyo.

Kabaliktaran naman ng aking hitsura ang babaeng katatalikod lamang sa akin. She was properly made up. Kailangan complete uniform. Parang hindi babasag ng pinggan. The kind of girl who always obeys the rules. The kind of girl na mataas ang kompyansa sa sarili. The kind of girl na parang siya rin ang batas.

"Siya si Ate Asia ng Grade 12. Mabait siya pero walang sinasanto sa mga bad boys."

Walang sinasanto...Muntik na akong matawa sa aking naisip. Wala siyang sinasanto sa mga bad boys?

Kilala ko siya. Kilalang-kilala. Hindi na nila kailangang ipakilala pa sa akin ang pangalan niya. I even know her grandmother's name, Espe. Esperanza. Sobrang bantot kaya hindi ko rin maiwasan na huwag pagtawanan ang pangalan ng lola niya na namana pala niya.

"Tell me her characteristics here in school."

"A-anong sabi mo, boss?"

"Anong katangian niya, bobo?"

"Ah.. Ano, boss." Napakamot ang estudyanteng naging aso ko sa bilyaran. "Iyon nga, unang-una, matalino iyan. Siya ang top 1 nila mula pa noong Grade 7. Ga-graduate na valedictorian yata, kung suswertehin. Tapos ano rin, campus journalist. Pambato namin siya sa mga contests. In short, matalino, boss."

Matalino. Mataba ang utak. Lahat ng oras ay inilaan para patabain ang utak. Kaya wala nang panahon na pagandahin ang mukha.

"Siya rin ang kadalasang tinatawag ng mga teachers namin. Kumbaga ay para na rin siyang teacher dahil nga makapagkakatiwalaan siya, malamang. In short, industrious si ate."

"Ano pa? Anong hobbies niya ganoon?"

"Hobbies, boss? Mga ano.. magbasa yata."

Na parang hindi ko alam. Iyan nga ang malignong nagbabasa sa taas ng kan'yang treehouse.

In the Heart of Horizon (Sunset Avenues #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon