"Kuya! Pahiram naman ng shirt mo oh," humaba ang nguso ko habang sumisilip sa kwarto ni Kuya Janus, ang panganay namin. Balita ko kasi may bago siyang dating na parcel kaya plinano kong harburin 'yung lumang The Beatles t-shirt niya dahil alam kong matatambak lang naman 'yun sa closet niya hanggang sa maluma.
Nakatapis pa si Kuya at kakatapos lang atang maligo nang gambalain ko. "Sandali at hahanapin ko."
Siyempre, malaki na agad 'yong ngisi ko dahil alam kong laki ako sa luho ng mga kapatid ko. Sa apat naming magkakapatid, ako lang ang nag-iisang babae at bunso pa! Kaya lahat ata ng gusto ko, nabibigay. Lahat ata ng desisyon ko, pabor sa akin.
Napakamot ako sa ulo ko nang makita ang certificate of registration. Ang aga-aga naman ng first class ko! Sinong may gusto ng 7:30 am class?! Sigurado ba sila sa ibinigay nilang schedule?
Unang araw ko ngayon bilang isang engineering student sa DSSC. Matapang ako sa lagay kong 'to. Kahit na mahina ako sa Mathematics, kapal ng mukha kong kumuha ng engineering. At dahil medyo malayo 'yon sa kabihasnan, kailangan kong gumising nang maaga para lang hindi ma-late.
Nagrereklamo pa ako sa utak ko nang maabutan ko si Mama na abala sa paghahanda ng almusal namin ni Kuya Janus. Si Papa naman ay abala sa pagpupunas ng pedicab niya dahil mamasada ata pagkatapos kaming ihatid.
"Oh!" Lumipad sa ere ang tshirt na agad ko namang nasalo.
"Salamat! Susuotin ko 'to mamaya," kinagat ko ang loaf bread ko bago pumwesto si Kuya sa harapan ko.
"Ano ba oras ng last class mo?"
"4:30 pero... may audition daw mamaya para sa dance group ng school. Plano ko sanang sumali."
Ngumiwi si Kuya. "Kung sa tingin mong kakayanin mo ngayon, you should try pero alahanin mo... engineering student ka na at hindi madali ang kursong 'yan. Ang daming sumubok pero konti lang ang umabot sa dulo," Kuya smirked na imbes pagaanin ang loob ko dahil first day ko ngayon, parang tinatakot niya pa ata ako.
"Masyado mo ata akong minamaliit, Kuya! Baka nakakalimutan mong second honorable mention ako noong elementary tapos honor student ako noong junior high at senior high!"
Natawa lang si Kuya at inabutan ako ng hotdog. "Panis 'yang honors at medals mo kapag college professor na mahilig sa tres ang nakatapat mo."
"Janus naman... huwag mo ngang takutin ang kapatid mo," sumulpot na si Mama sa usapan namin dahil ayaw niyang ginaganito ako ni Kuya. "Hayaan mo nalang ang kapatid mo. Wala namang mali sa pagsasayaw basta huwag lang kakalimutan ang pag-aaral. Iyon lang naman ang bilin ko," nilapag pa ni Mama ang isang plato na may apat na itlog. Nga lang, bumaba ang tingin ni Mama para suriin ang damit ko. Patay.
"Siyanga pala, bakit hindi mo suot ang ibinili kong blouse, ha? At tsaka, sapatos ng Kuya Jireh mo yan!"
Napainom ako sa kape ko bago sumagot. Ayan na naman si Mama at pinapansin na naman ang outfit ko ngayon. Naka black Giyu Tomioka swag t-shirt kasi ako at black pants lang kasi ako tapos iyong kinuha kong sapatos ni Kuya Jireh sa kwarto niya.
Nagsimula na namang umasim ang mukha ni Mama dahil ilang beses niya na akong pinagsasabihan sa mga pinipili kong damit, eh gusto niya kasing suotin ko iyong mga binili niyang bestida at fitted jeans... hindi naman puwede sa school iyon dahil may sinusunod naman kaming dress code. Buti nalang!
"Hindi ako kumportable sa doll shoes, Ma! Baka mamaya, magkasugat-sugat pa ang paa ko dahil lang sa maarteng sapatos na iyon. At tsaka, nag chat ako kay Kuya Jireh, ang sabi niya okay daw!" Totoong nagpapaalam naman ako bago ko kinukuha ang mga gamit nila.
"Natatambak ang mga damit mo, Charish! Sinong susuot niyan kung ganoon? Ibig sabihin pala nito ay nagsasayang lang ako ng perang pinambibili ko diyan sa damit mo tapos hindi mo naman pala sinusuot?" Nagsimula na namang maging iritado si Mama kaya kanina pa umaangat ang balikat ni Kuya Janus dahil pinagtatawanan niya na naman ako.
BINABASA MO ANG
His Midsummer Lies (Love Boundaries #3)- COMPLETED
RomanceWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. "He loves black and I love white. He likes old school shoes and I like sneakers. He grooves and I jump. He used to be all-dancing man and I'm...