Epilogue (Part 7)

58 0 0
                                    

'Cause all of the small things that you do. Are what remind me why I fell for you. And when we're apart and I'm missin' you. I close my eyes and all I see is you and the small things you do..."

Tumayo ako. The wind blew like it was spring.

Nakatulog ako sa gitna ng mga bulaklak kahit nararamdaman ko ang init. Pinagpag ko ang duming dumidikit sa siko ko. At natigilan. What the hell?! Bakit ako nandito? And... where am I?

I looked up and saw the sky lighter as blue. 

"Quen!"

My eyes widened.

That voice...

"Quen!" she shouted again. That voice...

My lips parted and slowly... looked at her. Mas lalong namilog ang mga mata ko. I blinked... she's wearing the fitted blue dress I gave to her. No... I blinked again, she's wearing her usual T-shirt and pants... 

Nanubig ang mga mata ko.

"H-Hey--"

She suddenly ran towards me and hugged me. Napapikit ako at yumakap sa kanya, iyong mahigpit. Her scent... her touch... lahat-lahat, pamilyar sa akin. Nanginginig ang mga kamay ko. Lahat ng pakiramdam na nararamdaman ko lang s kanya at sa tuwing kasama siya, bumalik agad sa sistema ko. Ipinikit ko ang mga mata ko... at panandaliang nakatagpo ng katahimikan sa piling n'ya. I was lost for years... and to be with her again feels like home.

Hindi na siya nagsalita. Hinayaan niya lang akong yakapin siya at umiyak na parang bata. 

"Ash... please... come back," halos hindi ko masabi 'yon ng diretso. Nagtago ako sa dibdib niya. I heard her chuckled a bit... at parang bata na inaalu, tinapik niya ang likod ko. Humigpit lalo ang yakap ko sa kanya. "Please... come back to me."

I closed my eyes. 

Hindi siya nagsasalita. 

She just caressed my hair... my back. She's touching me more!

Humarap ako sa kanya. Walang bakas ng kung ano maliban sa isang ngiti. Tang... ina. Nagmumukha akong miserable sa harap niya. 

Come on... say something.

Say something, baby...

She's very beautiful. Even in after life, she's very beautiful. She wanted a life for me but she died. I wanted death but she lived for me. 

That fucking smile.

I kissed her lips.

I kissed her nose.

Her face. Mas lalo akong umiyak.

"Please..."

Hinawakan niya ang mga kamay ko. Natulala ako sa kamay namin. Then I realize that maybe... this is just a dream. Napatunayan ko 'yon nang mapansin ang paa ko.

This is just a dream... kung saan ang mundo na masaya ako. Kung saan alam kong walang kulang sa akin. Kung saan kasama ko siya. Na kaya ko siyang yakapin.

I should stay here.

I want to.

"Quen... let go now," she whispered. "Live more..."

I was hurt. Alam ko namang ilusyon at panaginip ko lang 'to. Pero bakit pakiramdam ko huling beses ko na 'to para makita siya. Bakit parang nagpapaalam na siya?

Dumampi ang daliri niya sa pisngi ko. Nakangisi lang siya sa akin at hindi nagsasalita. Parang gripong tumutulo ang luha ko, ni hindi ko mapigilan.

"Quen..."

His Midsummer Lies (Love Boundaries #3)- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon