Chapter 19
"U-uwi nalang ako—"
"You stay!" Quen gripped my hand para lang 'wag akong umalis sa kama niya. Ngumuso ako at nilingon ang babae. Tinalikuran niya ako para lapitan... si Andrea. Iyong isang member din ng dance troupe namin, taga Education at maganda rin.
Hindi ko alam na may something pala sa kanila.
"S-sorry. Let's just talk tomorrow," rinig ko.
Tumango lang ang babae. Tinapik ni Quen ang balikat niya at may binulong ito sa kanya.
Dinungaw ako ni Andrea bago inayos ang sarili at lumabas ng kwarto. Iritado lumingon ulit sa akin si Quen bago hinilot ang sentido niya.
"Anong ginagawa mo dito, Charish Coleen?"
"T-tatambay sana. Nagdala rin ako ng paborito mong pastil at barbeque," napapisil ako sa ilong ko. "Akala ko kasi nakauwi ka na... galing school. Hindi ko naman alam na may date ka pala."
"She's not my date," may bahid ng iritasyon ang boses niya.
"Kahalikan mo nga..."
I looked away—pakiramdam ko kasi kaunting kalabit nalang, magwawala na siya. Iba talaga tinginan niya this past few weeks! Lakas maka overthink! Para bang may kasalanan ako sa kanya dahil pikon na pikon siya sa tinginan niya. Lecheng mga mata 'yan! Sarap dukutin kasi kung ano-ano nalang naiisip ko.
"She's not my date. She's not my fling. I just... kissed her. We're just making out," he said.
Umismid ako.
Tumayo na ako at nagkibit-balikat.
"Grabe... bakit mo hinahalikan kung wala kang balak?"
Ganoon ba siya ka gago?
Iniangat niya ang tingin niya sa akin. Napalunok ako kasi ayan na naman ang mga intense niyang tinginan. Natawa nalang ako kasi hindi ko na siya mabasa. Hindi ko na maintindihan. Parang nagbago na siya.
"I waited for you," he said.
"Nalowbat nga ako kaya sumabay na ako kay Vito. Akala ko kasi hindi tayo magsasabay. Busy tayo... pareho kaya hindi na tayo nag-uusap masyado."
"Pareho tayong galing sa dance room, Ash. Hindi mo man lang ako tinapunan ng tingin o tinanong man lang na , o ano? sabay ba tayo?"
Napakamot ako sa noo ko. "Kasi nga... baka pagod ka. Hindi tayo nagpapansinan lately. Parang iniiwasan mo nga ako, e."
Hindi siya nakapagsalita. Nanatili ang tingin niya sa akin kaya ang awkward na naman tuloy.
"Ano? Uuwi na ako. Sorry mukhang nabitin... dahil sa akin," I joked. "Pabalikin mo na 'yon. Hindi kasi dapat siya iyong pinaalis mo!"
"I-it's always you... who I wanted to stay," sabi niya.
"H-huh?"
Pumikit ulit siya at napatakip sa mukha niya. Gago? May problema ba siya? Parang sobrang bigat naman ng dinadala niya sa buhay. Okay na naman si Tita, ha? Okay naman finals niya. Okay din thesis niya. At mukhang wala naman siyang problema sa babae.
Ilang segundo siyang natulala.
"Okay, fine. Remember when you told me... that we need to be honest, right?" Suminghap pa siya at naghahanda sa susunod na sasabihin. Naimbyerna tuloy ako kasi feeling ko may something sa sasabihin niya.
"I'm not expecting something but... I just want—no, I need to tell you this... about this weird feeling, pre. There's one night... napanaginipan kita," he licked his lips this time and look at me, eye to eye. "And in that dream, you touched my dick."
BINABASA MO ANG
His Midsummer Lies (Love Boundaries #3)- COMPLETED
RomanceWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. "He loves black and I love white. He likes old school shoes and I like sneakers. He grooves and I jump. He used to be all-dancing man and I'm...