Mother

58 2 1
                                    

Chapter 5

"30 seconds," Quen pushed me to press the start button. Masama agad ang tapon ng tingin ko sa kanya dahil kanina pa siya sumasayaw para lang magawa namin iyong sinasabi niyang dance trend.

"Wala pa. Gagong 'to."

"Ang hirap naman," nag-practice pa siya kahit na alam kong kuhang-kuha niya naman iyong mga galaw ni Jungkook. Saka buong hapon siyang nakikinig sa dance tutorial sa YouTube kaya alam kong saulo niya na.

"3...2...1."

Hit, hit, hit... open your arms and look.

I opened my arms at agad na nilabas ang robot arms ko. Looking to the right, go down then left and right... switched everything and look to the front.

Quen smirked.

Quen took a step in front with his right leg then his right hand over his chest. Swabeng-swabeng ang pagtalikod niya para hilahin ang kanang paa. He jumped into the front and took a step with the right and jumped from the left cross hooped with arms. Tumaas ang kilay ko. 

So if you're ready (So if you're ready)

And if you'll let me (And if you'll let me)

I wanna see it in motion

In 3D (Uh-uh)

Sumabay na kaming dalawa sa tugtog. Tawang-tawa pa siya.

You won't regret me (You won't regret me)

Champagne confetti (Champagnе confetti)

I wanna see it in motion

In 3D...

Tawang-tawa siya kasi nagmukha kaming ewan. Ewan ko rin sa kanya, pinost din naman ng loko. Pagkatapos kong patulan iyong trip niya, lumabas na ako ng dance room para pumunta ng CR. Pawis na rin ako kaya nagdesisyon na akong magpalit ng damit.

Maagang umuwi ang mga classmates namin dahil half day lang kami. Pagbalik ko, nasa labas na si Quen at dala na ang mga gamit ko.

"May hydro quiz pala tayo."

Shuta. Nakalimutan ko.

"Kailangan kong mag-aral."

"Aral-aral pero bagsak pa rin," he sighed. Totoo iyon. Nitong mga nagdaang taon sa engineering, kahit na 3rd year na kami at ang bilis ng takbo ng panahon para sa amin, 'di pa rin namin alam iyong tamang routine ng pag-aaral. Taon-taon, nalalagasan kami. Isipin niyo, from 42 to 19 regular standing namin. Naging human filter iyong isang professor namin na nagpapaulan ng INC at singko sa Thermodynamics. Kinginang subject iyon, buti nakasabit pa ako.

"Cum Laude no more," Quen murmured. Muntikan din kasi siya last sem kaya ngayon, medyo nawalan na siya ng ganang makipag kompitensya sa room gaya ng nakaugalian sa high-school.

Kinuha ko na ang bag ko sa kanya. 

"You need some notes?"

"May file na sa google drive."

Tumango siya. "Hatid nalang kita."

Dahil inuugali na ni Quen ang paghatid sa akin, naipakilala ko na siya kina Mama. Noong una, medyo nagduda sila pero dahil kilala ako ng mga kapatid ko, hindi nila nilagyan ng malisya iyon. Si Papa naman, hindi rin masyado nagtiwala agad sa kanya pero pagkatapos ng ilang linggo, mukhang okay na naman sa kanya. Kahit papaano ay sigurado na sila na safe ako sa tuwing inaabutan ng gabi sa school dahil sa practice.

'Di rin kami nakatakas sa classroom namin, kahit na sa dance troupe at kahit sa faculty! Ang daming nagsasabi na may something daw kami kahit wala naman. Tinuturing ko nalang siyang best friend pero kapag tinatanong namin ang isa't-isa tungkol do'n, mas okay na daw iyong super friends kasi ang hirap panagutan ng salitang best.

His Midsummer Lies (Love Boundaries #3)- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon