Graduation

59 2 0
                                    

Chapter 23

Quen got delayed.

Napahilot ako sa noo ko habang binabasa ang guidelines at requirements para sa application for graduation.

Kylo tapped my shoulder. Siya ang kasama ko ngayon. I gathered my things and my thesis hardbound.

"Kumusta si Quen?"

I sighed. "Gano'n pa rin."

Kylo offered a sad smile and look at me. "Sayang talaga pero... mas mahalagang okay na s'ya ngayon. I heard he's having a therapy. Sobrang laking dagok nito sa kanya."

Hindi ako nagsalita.

Kasi sobrang hirap. Nasasaktan ako na hindi ko siya kasama ngayon para sa application. Pinipigilan ko ang sarili kong umiyak at kaawaan siya ng husto dahil ayokong isipin niyang wala na siyang kwenta... na kinakaawaan siya ng lahat.

Ilang buwan man ang nakalipas pero hindi niya pa rin tanggap ang nangyari sa kanya. Kahit hindi niya sabihin sa amin at sa tuwing naaabutan ko siyang nakatanaw sa bintana, malayo ang tingin at walang bahid ng kung anong emosyon ang mukha, sobrang hirap para sa akin ang lapitan siya at magkunwaring okay lang ang lahat... dahil alam kong hindi na siya tulad ng dati.

At sobrang nasasaktan ako sa tuwing napag-uusapan ang tungkol sa kalagayan n'ya.

"W-Where's my..." Hirap na hirap siyang titigan ang malaking benda sa hita niya. "Anong nangyari..."

Pinipilit ko palagi ang sarili kong 'wag umiyak sa harapan niya.

He has a lot of restrictions for him to fully recovered—physically. Pero iyong mental health niya, sobrang sira.

"I can't walk... I can't dance anymore... what the hell I'm doing here," he whispered—as if kinakausap niya ang sarili niya. Na iniisip niya talagang wala na siyang kwenta.

Sa ilang buwan niya sa hospital, hindi niya ako kayang tingnan. Sa tuwing nilalapitan ko siya at inaalukan ng pagkain, hindi siya nagsasalita. Iritado ako—oo pero hindi ko siya aawayin kasi nga alam kong epekto lang ito ng kalagayan niya.

"Galit ka ba sa akin?"

Tinalikuran niya ako habang hinahanda ko ang orange niya.

"Kausapin mo naman ako," hindi ko na mapigilan.

Para akong gago, kinakausap ko lang iyong likod niya.

"M-Malapit na ang graduation. How's your thesis?"

Ngumuso ako, hindi niya pa rin ako matiis.

"Okay lang naman. I went to school for my stat tapos rooting for final defense na," medyo pumiyok pa ako kasi naalala ko... na dapat kaming dalawa itong magkasamang nag-aasikaso sa thesis namin.

"Finish your thesis. 'Wag mong sayangin oras mo dito sa hospital," he murmured. "I don't need you here. May nurses naman na pwede kong tawagin kapag may kailangan ako."

Pumikit ako.

Hays. Akala mo naman susukuan ko s'ya kapag sinabi niya iyon. Duh? Expected ko na sasabihin niya 'yon!

Tumungo ako sa faculty para humingi ng lagda sa department chairman namin. Natanong nga ng ilang faculty si Quen at lahat sila, gulat at nag-alala sa nangyari.

"Congratulations!" Kiko, our respresentative from graduating class greeted me. Kasama rin namin ang ibang graduating students na abala rin sa compliance ng application.

"Thank you..." Ngumisi ako.

Hindi ko nga lang magawang maging masaya kahit na dumating na ang araw ng graduation. Kinakailangan pa akong sabihan ni Mama na ngumiti man lang kahit papaano.

His Midsummer Lies (Love Boundaries #3)- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon