Chapter 22
Hindi ako mapakali. Totoong nagtampo sina Ponce at Vito sa akin kaya para na akong tangang hinihintay na sagutin ni Vito ang tawag ko.
Binabaan lang ako ng gago!
"Parang tanga," I whispered. At dahil bored ako, naglinis nalang ako sa kwarto ko buong araw.
Nilabas ko ang mga boxes na naglalaman ng mga damit ko na 'di ko masyadong nagagamit. Ido-donate ko nalang 'yon kasi may kakilala naman si Papa na nagbibigay ng mga donations sa mga nangangailangan.
Naabutan ko si Papa sa kabilang kwarto. Nagkatinginan kami at agad ko namang iniwas ang tingin ko. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya nakakausap nang maayos. At nasasaktan ako sa nangyayari. I can't even tell... na masaya pa ang pamilyang 'to.
"Kailangan mo ba ng tulong, anak?"
Umiling ako. "M-mga lumang damit ko po. Iiwan ko sa labas at kayo na po ang bahala," I pursed my lips.
Dahan-dahang tumango si Papa at hinayaan akong ilabas ang box. Bumalik ulit ako sa kwarto at pinalitan ng bagong bed sheet ang kama.
Dalawang araw... dalawang araw akong hindi kinausap ni Vito. Kung hindi ko inambush sa bahay nila, 'di niya ako papansinin at kakausapin.
"Bakit nandito ka pa? Umalis ka na... okay na tayo," tinulak niya pa ako.
"OA nito! Buti pa si Ponce... hindi ako natiis! E, ikaw?! Hindi mo sinasagot ang tawag ko!"
Umismid siya. Alam kong kasalanan ko, okay? Pero grabe naman iyong tampo niya—akala mo gaano kabigat iyong kasalanan ko!
"Ayoko sanang itanong 'to pero... nagdudududa ako sa inyo," aniya.
"Ano?"
"Kayo na ba ni Quen?"
Umiling ako. "Hindi."
"Wala kang boyfriend ngayon?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Wala!"
"Wala ka pang first kiss?"
Tang...ina.
Kumunot ang noo niya... at nakitaan ng iritasyon ang mukha niya. Hindi ako nakasagot at halos matanggal yung braso ko sa lakas ng pagkakahatak niya sa akin.
"May first kiss ka na?!" sigaw niya.
Agad kong tinakpan ang bunganga niya kasi nakakahiya! Baka mamaya marinig pa ng mga chismosang kapitbahay!
"Ano... wala lang 'yon. For... experience," wala sa katwiran kong sagot.
Tinampal niya ang kamay ko at mas lalong sumimangot.Galit na galit siya sa akin.
"Naririnig mo ba ang sarili mo, Ash? You kiss just for experience?"
Napakamot ako sa ulo ko. Tang...ina. Paano ko sasabihin sa kanya 'yong tungkol sa halik? For sure, magagalit 'to!
"Sino?"
Umiling ako. "Random guy lang. 'Wag nga kasi... wala lang 'yon!"
He gritted his teeth.
"You only kiss someone you like, Ash. Hindi ka pwedeng humalik para sa experience lang!"
Tumango ako at pinakalma siya. "Oo na! Oo na! Alam ko naman mali kaya nga pinagsisihan ko 'yon. Alam kong hindi ko dapat ginawa kaya okay na. Nangyari na," palusot ko.
Siyempre hindi niya agad ako pinatawad. Tinupad ko iyong pangako ko sa kanila na babawi ako kaya kalaunan, nakalimutan din ni Vito ang tampo niya.
Dinungaw ko ang relo sa sala. Alas otso na pala at kakalabas ko lang ng banyo. Wala akong naabutan sa sala. Maagang pumasok sa kwarto si Mama tapos si Papa naman, may byahe pa-Bukidnon. Si Kuya Janus naman, overtime sa work kaya mag-isa akong pumwesto sa sala pagkatapos kong mag-palit ng damit. Kumuha pa ako ng chips at nanood ng comedy movie.
BINABASA MO ANG
His Midsummer Lies (Love Boundaries #3)- COMPLETED
RomanceWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. "He loves black and I love white. He likes old school shoes and I like sneakers. He grooves and I jump. He used to be all-dancing man and I'm...