LEABE

65 2 0
                                    

Chapter 24

"I don't need you here!"

Agad akong napabalikwas sa sofa. Ilang minuto pa akong nakaidlip nang marinig ang sigaw ni Quen. Agad ko ring nakita si Heaven... na umiiyak at bakas ang takot sa sigaw ng binisita n'ya.

"H-Heaven?"

She suddenly wiped her tears. "N-nagalit ata siya sa pagbisita ko."

"Huh?" Medyo naalimpungatan pa ako at prinoproseso ang nangyari. Sa taranta ko nga, agad kong tinakbo ang kwarto ni Quen. At kumpara sa mga dating tantrums niya, ito ang pinakagrabe. Galit na galit siya... na parang bata ayaw isama sa lakad.

"Quen—"

"Huwag na huwag kang tatanggap ng bisita! Anong nakain mo at hinayaan mo siyang umakyat dito?!" sigaw niya sa akin.

I pursed my lips. "I thought you—"

"I don't want it! Pwede ba?! Pauwiin mo na siya at 'wag kang tumatanggap basta-basta ng bisita! Hindi ko iyon kailangan! I don't need your sympathy!"

Agad siyang humiga sa kama niya at tinalikuran ako. Ramdam ko ang init ng ulo ko at para kumalma, binalikan ko si Heaven na ngayon ay nakaupo na sa couch. Tulala.

I sighed.

"Uh... I'm sorry... After what happened, lumala talaga iyong anger management niya tapos... nagkaka-tantrums."

Heaven nodded. Wala na ang luha sa pisngi niya.

"Hindi na siya tulad ng Quen na minahal ko," she whispered. "Those eyes... nakakalungkot ang nangyari sa kanya."

Iginala ko ang paningin ko sa kanyang mukha. Nakitaan ko nga iyon ng awa. Kaya ba...

"Sinabi mo ba sa kanyang naaawa ka sa kanya?" tanong ko.

She looked away and slowly nodded. Tumango rin ako at nalaman kung bakit ganoon nalang ang reaksyon niya.

"O-o. Alam kong mali ang nasabi ko—"

"Ayaw niyang kinakaawaan siya. Masakit sa kanya ang nangyari at mas lalo siyang masasaktan kapag... nakita niyang naaawa ka para sa kanya." Suminghap ako at mas lumapit pa sa kanya. "He's too sensitive now... kaya maingat ako sa bawat salitang sinasabi ko sa kanya."

There's something about Heaven's stare. Kalaunan, tumango siya at tuluyang nagpaalam. I'm pretty sure na babalik siya. Alam ko.

"Are you mad at me?" tanong niya, nakatalikod pa rin sa akin. Maingat kong sinirado ang pinto.

"Hindi. Ikaw ba?"

Dahan-dahan siyang humarap sa akin. His eyes were red, umiyak na naman ata. Lumapit ako para ayusin ang kanyang comforter. Hinawakan niya kaagad ako rason kung bakit naramdaman ko kung gaano kalamig ang kamay niya.

"I'm sorry..."

Tumango ako.

"Sorry din. Akala ko magugustuhan mong makita si Heaven."

Umiling siya. "I know her, Ash. Minahal niya ako noon dahil... wala pang mali sa akin. Hindi ko kailangan ng awa niya." Tinabunan ng kanyang braso ang kanyang mga mata. "Hindi niya kailangan makita ang kalagayan ko ngayon."

"Okay. Next time, hindi na siya magpapakita ng awa sa 'yo."

Kumunot ang noo niya.

"There's no more next time, Ash... please."

Ngumuso ako. "Paano kung bumalik? Hindi ko ba papapasukin? Hahayaan ko nalang?"

"Pauwiin mo."

"She won't," sabi ko. "Mukhang... pursigidong bumalik 'yon."

His Midsummer Lies (Love Boundaries #3)- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon