Infinity

60 2 0
                                    

Chapter 29

MOA, Intramuros, Tagaytay, La Union, Benguet, Cebu, Bohol, Lake Holon, Aliwagwag Falls, Bukidnon...

Nakasulat lahat ang mga lugar na 'yan sa travel diary ni Quen. Natutulog siya sa paanan ko nang makita ko 'yon. Sinumpong na naman kasi siya. Umiyak siya nang umiyak; kumalma lang nang dumating ako para aluin siya.

Gustong-gusto niya kasi talagang mag-travel. Napaka adventurous kasi ng taong 'to kaya hindi ako magtataka kung puno ng mga lugar ang bucket list niya.Tapos nakita ko ang pangalan ko sa dulo ng bawat pahina. Gusto niyang puntahan lahat ng 'yon kasama ako.

I smiled. I caressed his hair na parang bata. Nakapatong ang isang kamay niya sa hita ko habang pulang-pula ang paligid ng kanyang mga mata. Mas klaro. iyon dahil sa ilaw na tumatama sa kanya.

"Of course... sasama ako palagi sa 'yo," I whispered and kissed his hand. I chuckled when I noticed how he flinched a bit while sleeping. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya at baka sakaling mapigilan ang bangungot na sinasabi niya.

Ganito pala magmahal.

At ganito pala ang pakiramdam ng mahalin. At habang lumilipas ang araw, mas lalo akong nahuhulog sa taong buong akala ko'y magiging kaibigan ko. Akala ko hanggang doon lang.

Tapos naging boyfriend ko pala. Partner. Enemy. Na magkasama kami sa mga disappointments at ganap sa buhay. Akala ko hanggang pagsasayaw lang kami... akala ko friendship lang talaga.

But this happened...

All good things happened. Vito graduated. Best in thesis pa ang gago at lahat kami nagulat kasi alam kong pinaka ayaw niya talaga ang thesis at research. Kita mo 'yon. Super nega at tamad niyang tao pero umabot sa in-house yung thesis niya. Tingnan mo nga naman.

Inaya niya akong kumain kasi celebration daw. Pa despidida niya na rin kasi two weeks from now, aalis na talaga siya. Sarap siguro sa pakiramdam na unti-unting naaayon sa plano. Na okay siya. Na masaya siya na may nakaabang trabaho para sa kanya.

But of course, he didn't fail to remind me about reviewing. Hindi naman siya tutol sa relasyon namin... I mean, wala namang pakialam ang gagong 'yon pero kung pwede lang gabi-gabi, ipaparemind niya sa akin na magreview ako.

"Ash..." malambing na tawag sa akin ni Quen.

"Hmmmm?" Hindi ko siya nilingon kasi antok na antok ako. Nagbabasa ako ng PAES irrigation... tapos 7PM natapos yung shift ko sa cafe. Tapos need ko magbasa para may progress ako sa review ko.

"Can we go outside?"

Humikab ako at sinara ang reviewer. "Gusto mo nang lumabas?" Nagulat ako kasi... finally!

He grinned. "Yeah. Okay lang ba?"

Tumango ako. Nilabanan ko ang antok ko kasi ngayon lang nagyaya itong lumabas! I mean—finally!

"Saan mo ba gustong pumunta?"

"Hmmm... dagat?"

"At this hour?" Nabigla ako. "Gumagabi na..."

"I know... gusto ko lang makalanghap ng hangin," he said. "I missed being outside."

Kahit inaantok, pumayag na ako. Bumaba ako para silipin iyong driver niya kasi 'di naman kami pwedeng mag-commute. Maliban sa hassle, mahigpit talagang pinagbilin ng daddy niya na may driver siya kahit saan siya magpunta. Buti nalang at naninigarilyo pa sa labas si Kuya kaya inihanda niya kaagad ang sasakyan.

"Let's go..."

Hinila niya kaagad ako para patakan ng halik ang labi ko. "Are you tired, baby? Pwede naman 'wag nalang..."

His Midsummer Lies (Love Boundaries #3)- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon