" So... you're finally thinking about living with her, huh."
Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon para tanggihan 'yon. Ate Ylena smirked. Gumagabi na at nagsisimula na akong magligpit ng gamit para makauwi. I smiled because I find it weird and nonsense if magsisinungaling lang ako.
"Ang sabi ni Inday—"
"Don't tell me pumupunta ka sa bahay para lang makibalita sa lovelife ko?"
She shrugged. "Don't worry my little brother. I won't ask you about your plans... about getting married."
Natigilan ako.
Admittedly, hindi ko naisip 'yon. Kahit simula pa lang, sinasabi ng kapatid ko na dapat 'date to marry' yung kailangan ii-instill sa utak ko. But I didn't think of that... maybe because I'm too busy for my career. Everyone is expecting me to marry Meadow. At hindi naman masama 'yon. My parents like her so much. She pursued her education and became a successful accountant. Nagtiyaga siya. Tulad ko, nahirapan siya pero kinaya niya. At sa mga panahong sa tingin niya, hindi niya kinakaya at 'di na nadadadaan ng console, pumupunta siya ng simbahan. She's asking for guidance and strength to Him.
And with that, with the years passed, I got interested... and dated her.
Then she became my girlfriend.
"That's not worth to eat..." Meadow said. Ngumuso ako at natatawang nilapag ang steak na pinaluto ko para sa kanya.
"Just... try it. Masarap na 'yan--"
"Hindi nga kasi ako kumakain ng ganiyan, Francisken. Okay naman ako sa pares, e."
Humalakhak ako. "Sige na. Subukan mo lang..."
She rolled her eyes. Hindi ko magawang seryosohin ang inis niya kasi alam ko namang hindi naman talaga siya galit sa akin. Galit lang siya sa pagwawaldas ng pera sa mga bagay at pagkain na naiisip niyang pwede namang tipirin. She's not demanding... but you know, I want to give good things... good food and favor to her. She deserves everything. I want to spoil her with those. And... now, she's pouting. So cute.
We had our dinner. Pinalampas niya 'yon. Then I called my driver para lang sunduin kami.
"Hmmm? And what happened?"
She was venting some stuffs. Nakasandal iyong ulo niya sa balikat ko at nilalabas ang mga pangalang nagpapa-stress sa trabaho niya. Nakikinig lang ako sa kanya. Gusto kong sabihin na natural lang na may mangyari sa trabaho pero...
"Nakakatawa siya! Hindi ko naman siya inaano," she murmured again. Natanaw kong pinagbubuntungan niya iyong bubble wrap. She was popping it na para bang doon nakasalalay ang stress niya. "What?"
"Nothing. You need to rest."
Umismid siya at inalis ang ulo sa balikat ko. "So... any plans for tomorrow?"
"Hmmm..."
"Maybe we can buy some sunflowers!"
Natawa ako. "No need. Ate Ylena already planned something for her."
Ngumisi siya. She rested her head again hanggang sa makarating kami sa condo niya. I leaned closer to give her a kiss and say my goodnight. She waved again, pinapaalala ang tungkol bukas. I sighed. Minsan, makulit din talaga siya. Bored, I started staring blankly to the road. The vehicles stopped because of the traffic. I looked at them. My memories brought me to my student era. Iyong may hinahatid at...
No, it's been ten years.
I smiled. Tomorrow is the day.
***
![](https://img.wattpad.com/cover/311855626-288-k194827.jpg)
BINABASA MO ANG
His Midsummer Lies (Love Boundaries #3)- COMPLETED
RomanceWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. "He loves black and I love white. He likes old school shoes and I like sneakers. He grooves and I jump. He used to be all-dancing man and I'm...