Chapter 13
Ang gulo.
Noong isang buwan break na sila. Tapos bigla ko nalang nakita na magkasama sila sa story ni Quen. Tapos noong katapusan, break na naman ulit.
Last week, nagkita sila at nag-usap. Maybe to 'fix' again their relationship.
"Wala na nga," Quen smirked.
Masama ko siyang binalingan. Hindi ako naniniwala. Hindi ito ang unang beses na naghiwalay sila at sa loob ng isang buwan, papalit-palit sila ng estado.
"It's just... physical, Ash."
Pumikit ako.
"Kaya nga siguro hindi kami nagtagal. She wanted me to stay just because she can't afford to be alone."
My mouth parted in awe. Can't afford to be alone... and being physical... is the key?!
Siguro dahil pareho silang liberated at bilang isang taong kabaliktaran ng taong nasa harap ko, walang boyfriend at walang experience sa pagmamahal, hinding-hindi ko maiintindihan 'yon.
A virgin and innocent like me can't understand the thoughts of having physical relationship...
It happened so fast. Parang kailan lang noong nagkita at nagkakilala sila sa MASTS tapos nagkapalitan ng convo sa messenger. And now, she's the bastard's ex.
Hindi ko rin talaga alam kong apektado siya sa hiwalayan nila. He liked Heaven. He pursued her. Pero ang hayaan niyang iwan siya nito at umaktong parang wala lang, ganoon ba talaga siya magmahal?
The love he had for Joyce was true. First love niya at hindi na naulit 'yon. I thought his feelings were just for short term pero kinabukasan niya ang pinagpalit niya para lang pagbigyan ang nararamdaman pero wala siyang napala.
He didn't reject girls but he can't play with them forever. He's raising his red flag. A walking one kasi nga alam kong gago talaga siya. He can treat you special and do effort—yes! He can do that pero kapag iwanan at habulan ang pinag-uusapan, lakas din makabandera ng pinagbabawal na kulay.
And now, after his break-up, to see him smirking and smiling—that was not love. Hindi niya minahal si Heaven. Iyon ang pinaniniwalaan ko. Pati na sa mga naging ibang babaeng dumaan sa buhay niya.
"Ash..." malambing niyang tawag sa akin.
Hinampas ko sa kanya ang huling plates. Malaki ang ngiti ko dahil hindi repeat at ready na for blueprint. Malapit na ang bakasyon kaya nakahanda na ang to-do list niya.
"Let's do this... please..."
Umiling ako.
Bukod sa hindi ko kakayanin ang hiking, pakiramdam ko hindi rin kakayanin ng budget at kaluluwa ko. I'm not an adventurous person at ikakamatay ko ang pag-akyat sa bundok na 'yan.
"Ayoko—"
"Libre ko!"
"Mas lalong ayoko!"
He locked me with his arms. Hinampas ko siya pero naramdaman ko kung gaano katigas ang dibdib niya. He smirked and pulled me closer for me not to restrain from his lock.
"Ano ba?!" Naiinis na ako. Nahulog tuloy iyong cap ko kaya gulong-gulo na ang buhok ko. Para niya na akong dinumog!
"Please... samahan mo na ako."
Sinakal na ako ng gago.
I groaned.
Para akong gulay na nalanta at kahit labag sa loob, pumayag na ako. Tuwang-tuwa siya at tuluyan akong pinakawalan. Aba't nahiya pa, kinuha niya ang cap ko at inayos ang nagulo kong buhok.
BINABASA MO ANG
His Midsummer Lies (Love Boundaries #3)- COMPLETED
RomanceWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. "He loves black and I love white. He likes old school shoes and I like sneakers. He grooves and I jump. He used to be all-dancing man and I'm...