Brute

58 1 0
                                    

Chapter 21

"Minimum volumetric efficiency of sprayer," Quen asked me habang nakapatong ang paa ko sa hita niya. "What is it?"

Nag-isip pa ako.

"Eighty percent."

Ngumisi siya. "Nice. Galing."

Tumaas ang kilay ko. Kanina pa kami nagre-review para sa long quiz mamaya, 'di niya pa rin sinasagot kung saan ang punta nila ni Ace.

"Saan nga?"

He smirked. "Ikaw ha..." tukso niya pa. "Hindi kita girlfriend niyan pero kung makatanong ka..."

Sinamaan ko siya ng tingin. Ang gagong 'to, napakamalisyoso. Sinisecret niya na kasi kaya kuryuso tuloy ako.

"Bawal na ba akong magtanong?"

Humalakhak ulit siya. Sa inis ko, sinipa ko na siya at akmang aalisin ang paa ko sa hita niya but he didn't let me. Pinisil niya agad iyon at ako pa ang pinagbantaan.

"'Wag nga kasi. Tampo naman agad. Sasamahan ko lang si Ace," aniya.

"Saan ba pupunta ang batang 'yon?"

Mas bata si Ace ng siyam na taon. Sabi niya nagkakilala sila dahil sa pagsasayaw. Hilig din daw kasi ni Ace at napasama siya sa isang workshop. Tapos naging close raw sila kaya gano'n.

"Nakulong ang kuya niya."

"Ah, guilty ba?" tanong ko. Kilala ko 'yon. Si Simon Florendo ang tinutukoy niya. Hindi naman sa chismosa ako ha pero alam kasi ng buong lalawigan 'yon. Hindi naman bago sa amin ang balitang tungkol sa kaso ng nakakatandang anak ng mga Florendo at ang... mga binibintang sa kanya.

"Nagkita kayo ni Joyce?"

Umiling siya. "I didn't know where she is. Ang sabi ni Ace... may relasyon sila ng kuya niya at... wala ng balita tungkol sa kanya."

"Totoo nga? Na... may relasyong tinatago ang dalawa," matalim ko siyang tinitigan dahil gusto kong makita kung ano nga ang reaksyon niya. Nagulat nga lang ako dahil... parang wala nalang sa kanya.

"Kung nasaan man siya ngayon, sana nasa mabuting kalagayan siya," sabi niya bago binalik ang buong atensyon sa pagre-review.

"Forbidden love huh," he whispered.

"Inggit ka ba?"

"Naka move on na ako!" Humalakhak siya.

"Weh?"

Tumango siya na parang bata. "Wala na talaga. Matagal ko namang tanggap na 'di talaga pwede. Okay na naman ako."

Hindi na ako nagsalita kaya nag-review nalang ulit kami. Hinatid agad ako ni Quen pagkatapos ng quiz. Lagi niyang ginagawa 'yon kaya minsan, naiimbitahan siya ni Mama sa bahay para kumain.

"Graduating ka na rin ba, Quen?" si Mama.

Muntik na kaming mabilaukan, pareho naming ayaw pag-usapan ang tungkol sa graduation pero parang matic na talaga na itanong 'yon kapag 4th year ka na o graduating.

"'Di pa sure, Tita."

Tumaas ang kilay ni Mama.

"Bakit naman?"

"May thesis pa po."

Nilingon ko si Papa. Tahimik lang siya habang nakatingin sa amin mula sa sala. Nanuot agad ang kirot sa dibdib ko nang makita ko siyang nahihirapang salubungin ang tingin ko. Napansin ni Mama 'yon kaya nilingon niya rin ang gawi ni Papa.

Guilt.

Iyon talaga.

Siniko ako ni Quen para ibalik sa pagkain ang atensyon ko. Pagkatapos naming maghapunan, nag-usap sila ni Kuya Janus sa labas.

His Midsummer Lies (Love Boundaries #3)- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon