Epilogue (Part 6)

51 1 0
                                    

Jeremiah 29:11

'For I know the plans I have for you," declares the Lord, "plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.'

Ngumiti ako sa lahat bago ko sinabi ang bible verse na 'yon. Nakatingin silang lahat sa akin. Maybe... some of them, iniisip nila na sobrang awang-awa ako sa sarili ko dahil... naka wheelchair ako habang sinasabi ko lahat ng napagdaanaan ko. Baka karamihan din sa kanila, iniisip na sobrang talino ko kasi naging topnotcher ako. Kasi sobrang nakakagulat kapag naging top ka sa propesyong 'to. Baka iniisip nilang... sobrang dali lang para sa akin ang magpatuloy sa kabila ng paglisan ng mga importanteng tao sa buhay ko.

Two months after the result, I was invited to do my speech on ABE day. You know it was part of our tradition to share the journey to inspire. Pero sa totoo lang, hirap na hirap din naman ako.

"Hindi ako matalino gaya ng iniisip n'yo," I chuckled. "Just... average. Can do simple Mathematics. Bumabagsak naman at nakaka one over twenty-five. Wala rin naman akong nasasagot at minamalas, zero rin. But you all know what matters the most aside from being smart and academically intelligent? Perseverance. Na mananatili kang purisigido sa mga bagay na gusto mong makuha. That you persist to do despite of changes, mistakes and challenges. Despite of fear... being delayed. Kasi d'yan lang naman iyang pangarap mo, magiging deserve mo 'yan kasi pinagbubutihan mo. Pero hindi ko rin sinasabi na sa ilang taong nagsumikap ako, never akong nagka-mental breakdown. I did and I needed that time to breakdown kasi feeling ko, kapag sinagad ko iyong sarili ko, nakakaubos. Naisip ko rin 'yong ilang beses ko pa bang iga-gaslight sarili ko tuwing gabi na okay ako, na magiging okay ako kasi obviously--kilala ko talaga ang sarili ko. Na may mga bagay na hindi talaga okay para sa akin."

Tahimik pa rin sila. I managed to part my lips to continue.

"Iyong plates? Kaya naman. Iyong sleepless night? Nato-totolerate naman. Physically tired? Nakakapagpahinga naman ako. Pero kapag iyong mental state na talaga iyong nagrereklamo, hindi rin talaga magpa-awat, e. Iyong disappointment and failures sa buhay; hirap din tanggapin kasi hindi mo alam kung hanggang kailan mo tatanggapin 'yon. Hirap kapag tanggap ka lang ng tanggap. Dapat nagbibigay ka rin. BInibigay mo best mo para positive 'yong balik sa 'yo." 

I licked my lips. "You know... after my accident, I lost two people in my life. My best friend and my lover." Natawa ako sa reaction nila. "Pang MMK ba buhay ko? Yeah, ganiyan din iyong naisip ko just to endure the grief. Noong mawala sila sa akin, naisip kong huminto kasi iniisip ko na wala na rin namang saysay kasi nga kinain ako ng sakit, puot at... siyempre, confused ako. Nagme-meditate pa ako n'yan, ha? Pakiramdam ko back to zero ulit ako. Inisip ko na ayoko na. Na bakit ko sasayangin buhay at chances na binibigay sa akin. Goodness, twenty four na ako, turning twenty-five pero wala pa ring nangyayari. Nagka-leche-leche lang buhay ko. Whether I finished my course or not, wala pa rin. Pero isang gabi, may nabasa lang ako; I'm in the middle of my medidating, sabi roon na we had this one we once loved. That we must learn to let go. Tapos ang dami ng realisations na pumapasok sa utak ko. Pero hindi talaga siya madali. Just like passing this course, ilang taon na ang na-invest n'yo para lang pumasa at matuto. You sacrificed a lot of peace and things just to survive the year... For the first years, you already had your best to start this. Nasimulan n'yo na. For the second years, you survived your last year and for sure, mas deserve niyo pa next year. Third year? Nah, nasa gitna na kayo. There's no turning back for you guys. Tuloy niyo na kahit anong mangyari. Fourth year? Graduating or not, malayo na kayo. And you just need to trust more... yourself, the process and the deed." Ngumiti ako. "Nandito kayong lahat dahil alam niyo namang kaya niyo. Even some days were dark and exhausting for us, we know what to pursue. We know what we love," I added. 

Tapos parang naintindihan nila ang sinabi ko kasi nagpalakpakan silang lahat. 

Sinabi ko na hindi naman nila kailangan maging topnotcher para patunayan na may natutunan sila sa ilang taong pag-aaral nila. Nagbigay sila ng token para sa akin. I took pictures with them kaya hindi mawala ang ngiti sa labi ko. I even congratulated my colleagues na engineer na rin. 

"What?" I asked Meadow kasi kanina pa siya tingin nang tingin sa akin. Nasa sala na ako at masayang binubuksan ang maliliit na token na natanggap ko from ABE students.

"Wala. Ang gwapo mo talaga... wala akong masabi," she said.

Umawang ang bibig ko. 

"Hahaha! Mukha mo," she chuckled a bit. Tumayo siya at tinalikuran ako pero pinigilan ko siya.

"Huwag... mong sabihin 'yan kung aalis ka rin naman."

"Huh? Kukuha ako ng pagkain mo."

"Sit. Busog pa naman ako," sabi ko. Pero hindi siya nakinig. Mas umawang ang bibig ko dahil minsan talaga, nakakalimutan niyang anak pa rin ako ng amo niya. Pero hindi naman ako nagrereklamo kasi all these years, Meadow helped me. Wala naman akong reklamo ro'n... at mas lalo tungkol sa kanya. 

Natawa ako.

Then I decided to take a new step. I dedicated my years para sa masteral ko... tapos napapaisip na naman ako sa doctorate ko.

"Wala ka bang planong magka-girlfriend?" tanong ni Bayaw Jake sa akin. He's an environmental planner too. 

"I'm busy."

"Busy, your ass."

I chuckled. "No more time for love here. May girlfriend kaya ako..."

Jake looked at me. Totoo naman ang sinabi ko. Busy talaga akong tao. If I wanted to do love, I'd go out every girl in our department just to give a chance, no doubt... pero wala talaga. 

"Look at her. She's Krizza. Topnotcher din 'yan tulad mo."

Tumaas ang kilay ko. "And?"

"Bagay kayo."

"Paano mo nasabi?"

He glared at me. "Siguro... iyong sinasabi mong Meadow ang type mo."

"I told you... may girlfriend nga ako."

He shrugged. "Ewan ko sa 'yo, Quen. Sige na! Just give a try... wala namang mawawala."

Goodness... I'm starting to think that I need to fucking stay away of Jake. Hindi naman talaga ako hopeless romantic pero he's literally a fucking playboy. Dumaan naman ako sa maraming girlfriend phase pero ito talaga si Jake, mythic kumbaga.

I stretched my hand to end my work. Gabi na rin at kinuha ko ang cellphone ko.

I'm done.

Kinuha ko ulit ang dalawang folder at inayos ang iilang papers na nakaipit do'n. Hindi na rin nagtagal, my phone vibrated because of a message.

Okay. Aakyat na ako.

I smiled and replied okay.

Meadow wearing her usual dress, smiled at me. Mas mahaba na ngayon ang buhok niya. Umaalon ito sa bawat galaw. She reached for my things at tinulak na ang wheelchair para tuluyang lumabas ng office. 

"Anything to eat?" tanong niya noong nasa elevator na kami. Nagulat ako kasi bigla nalang siyang nagsalita. Napansin ko kasing tahimik siya kaya... baka wala sa mood? 

Ngumuso ako. "I want to eat Pastil."

She sighed. "Pastil for the rest of the week ka na ba talaga?"

"Yeah."

She rolled her eyes. Ang cute.

"Joke. Ikaw na bahala..." Alam niya naman iyong pagkaing ayokong kainin tuwing gabi. Alam niya na rin 'yong allergies ko. Kaya alam kong magiging okay naman ang pagkain ko. 

It took how many seconds bago kami tuluyang nakarating sa tamang palapag. Pero nagtataka ako kung bakit... hindi niya ginagalaw ang wheelchair. Is there a problem? 

"What-"

"Sir? Please date me," she cut me off. And once again, my lips parted.

His Midsummer Lies (Love Boundaries #3)- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon