Epilogue (Part 1)

77 1 0
                                    

"Ang daming nag-audition. Grabe ka talaga, Francisken. Matinik ka talaga sa mga babae, no?"

"What?" Natatawa kong tanong.

"Halata namang nagpapasikat lamang sila para mapansin mo."

I smirked. Kakatapos lang ng warm-up namin nang asarin ako ni Carlo tungkol sa mga babaeng nag-audition. Pinunasan ko ang aking pawis kasi naglalagkit ako no'n.

"Lahat ba sila... may karanasan na sa pagsasayaw?"

Carlo shrugged. "I don't think so. Halata namang nagpapalakas lang sa 'yo ang ilan. Tho, hindi ko naman nilalahat, ha? Pero may mga talented naman," he said.

Ah, okay.

Wala naman akong problema roon basta alam nila kung ano ang pinapasok nila. Landi? Sure! Pero dapat pagdating sa pagsasayaw, dapat iyong todo at hindi nagloloko.

Bata pa lang ako, alam kong katumbas ng buong pagkatao ko ang pagsasayaw. Simula noong napabilang ako sa international group at mas nakitaan ko ng iba't-ibang potential ang mga batang natuturuan ko. Yes, I do choreo.

"But there's one girl... ang swabe ng galaw."

Kinagat ko ang aking towel at kuryuso agad sa papel na nilahad niya sa akin. Ash? Oh, I mean, she looks like one of the boys but... something is wrong (?)

I don't know.

Galaw ng katawan, check.

Swag, check.

Stage presence, check. Face? I smiled.

"Ngingiti-ngiti mo d'yan?" tanong ni Rina, my DevCom student. It's been three weeks since we started dating. Maganda siya at medyo type ko kaya tinanong ko kung pwede siyang ayain lumabas until gabi-gabi na namin nagagawa iyon.

Pero hanggang do'n lang ata. Don't know.

"Masaya lang ako dahil ang daming gustong mag-audition sa grupo."

Rina offered me her salad. Sumama ang mukha ko kasi hindi naman ako mahilig sa salad. "Eat it. You need to eat veggies. Ang dami mo ng mantika sa katawan dahil sa oily foods na kinakain mo."

Tumaas ang kilay ko.

"Grabe, nagwo-work out naman ako."

"You eat, okay?"

I sighed. Look at her, she's... kinda off for me. Bakit 'di ko to nakita noon? Am I blinded of her beauty?! Pumikit ako at nagdesisyong itigil ang kabaliwang 'to.

I enrolled BS Agriculture and Biosystem Engineering dahil wala ng slot. Pero gusto ko naman engineering kasi... why not?

At dahil sa dami nga ng nag-audition, kailangang dumaan sa evaluation. I decided to meet the aspirants, sumayaw at nagpakitang gilas.

"Ano? Digos ka pa?" tanong ko kay Ash kasi mahihirapan siyang sumakay dahil gumagabi na. Delikado pa naman.

"Oo, lods."

Lods?! Ha!

"Quen nalang. Ang weird ng lods," Lods amp. "Sabay ka na sa akin."

Napatingin siya sa bike ko. Sama ng tingin! Feeling ko nagdadalawang isip siya dahil sa motor ko!

"Ano... 'wag na, nakakahiya naman."

"Parang tanga 'to. Sige na! Baka mamaya, ano pang mangyari sa 'yo." Delikado talaga. Sabi pa naman ng mga Seniors namin na ang daming sira ulo dito. Hindi ko naman siya pwedeng pabayaan.

"Sigurado ka bang... okay lang? Pre... nakakahiya."

Pre?! Dami namang tawag sa akin ng babaeng 'to!

"Oo nga. Sakay na." Nag-isip pa siya. "Sasakay ka o... samahan kitang maglakad? You choose."

His Midsummer Lies (Love Boundaries #3)- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon