Chapter 20
Pota.
Ang awkward. Gusto ko ngang iuntog iyong sarili ko kung bakit ako nagpadala sa... kademonyohan ng utak ko. Hinalikan ko iyong tao...tapos naging first kiss ko pa.
"Ash, may extra sci-cal ka ba?" tanong sa akin ni Amor. Napalingon ako sa likod ko para lang sabihing wala akong extra. Tapos nagkatinginan kami ni Quen kaya tumango nalang ako kahit ang awkward. Tumango din siya at iniwas ang tingin sa akin.
Jusko. Buti nalang 'di kami magkatabi. Exam kasi namin ngayon tapos gusto ng Prof namin na sirain iyong kumbaga pattern daw namin. Sisirain niya iyong blocks na binuo ng mga classmates namin para lang makakopya.
"'Wag niyo nang subukan. Problem solving naman lahat," si Prof habang binibilang ang estudyante each row.
Mapapamura ka nalang talaga. Wala talagang patawad 'tong Mechanics namin. Sagad rin talaga during exam, e.
Tumagal ng tatlong oras iyong exam. May kalahating minuto pang natitira sa oras nang magdesisyon akong ipasa iyong test paper ko. May sagot naman pero 'di lang ako sure sa solving ko. Sakit din talaga sa ulo kapag pinipilit kong i-solve iyong isang problem kahit alam kong mali naman iyong process. Lalo na iyong sagot. Kilala ko kasi 'to si Prof—wala siyang alam sa mercy points. Either zero or five lang iyong score mo each item.
Suminghap ako.
Hindi maganda ang panahon at mukhang uulan pa ata. Mas naunang lumabas si Quen. Nakatayo siya sa hamba ng pintuan sa kabilang room at hinahanda ang payong. Nang makita niya ako, lumapit naman siya. Nilingon ko nga lang si Mark kasi may tinatanong siya tungkol sa tickler.
"You want to eat?" tanong niya tapos binunggo niya pa ako konti. Yung nakaugalian niyang gawin sa akin.
"Oks lang."
"Libre ko."
Natawa ako. "May pera naman ako. Lagi mo nalang ako nililibre."
Natawa na rin siya tapos wala nang nagsalita. Sabay kaming lumabas ng gate pero ramdam ko talaga iyong awkward na pumapagitna sa amin. Tang... ina naman kasi.
"Ash... about last night," he said. "I'm sorry."
Tumango ako. Kahit sobrang kaba ng dibdib ko.
"The kiss—"
"Huy," sinikmuraan ko siya. "Okay lang. Ano... pasensya rin. Hindi sana kita hinalikan. Lapse of judgement din, e. Alam mo 'yon—wala rin ako sa sarili ko no'n. Nag-aalala rin ako sa iyo kasi baka nagalit ka tapos..." Napalunok tuloy ako kasi kumunot na naman iyong kilay niya, hindi ata natutuwa sa sinabi ko. May mali ba?
"That was your first kiss," he declared it on my face.
Ngumuso ako.
"Hahaha. Oo," natawa ulit ako. "Oks na 'yon. At least 'di ba, next time hindi na ako ignorante."
Kung kanina, iritado siya. Ngayon, galit na. Pikon na pikon talaga siya.
"What does it mean? You kissed me for experience?"
Namilog ang mga mata ko at naisip na mali nga 'yon.
"Ah, hindi. Ano... basta—"
"Kung experience naman pala ang gusto mo, hindi pa iyon sapat. Kulang pa 'yon," lumapit pa siya sa akin at pinagduldulan ang mukha niya. Dahilan para malipat iyong tingin ko sa labi niya. Naalala ko tuloy iyong halik kaya tinulak ko iyong mukha niya.
"Huy!" Gago talaga.
He groaned.
"Tama na 'yon! At saka, yuck!" Kunwari diring-diri na ko. "Hindi na mauulit 'yon, gago!"
BINABASA MO ANG
His Midsummer Lies (Love Boundaries #3)- COMPLETED
RomanceWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. "He loves black and I love white. He likes old school shoes and I like sneakers. He grooves and I jump. He used to be all-dancing man and I'm...