Mirror

73 1 0
                                    

Chapter 4

Youtube video: Under the influence/dsomeb choreograph

Inilagay ako ang bag sa bakanteng upuan malapit sa pintuan. Nasa gitna si Quen, sumasayaw na para bang wala siyang ibang kasama sa buong kwarto. I crossed my arm and looked how he finely sways his hand each movement. Seryosong-seryoso siya sa bawat galaw niya. Seryosong-seryoso siya sa ginagawa niya.

Ni hindi niya napansin ang pagpasok ko.

Naupo ako sa upuan na nakapuwesto sa likuran niya. Tinitingnan ko siya sa pamamagitan ng malaking salamin. I watched him about for a few moments, found myself meeting his eyes. Kumirot ang kilay ko nang makitang nakatingin na siya sa gawi ko habang sumasayaw.

He returned his attention to the mirror.

Natigil ang kanta bago siya kumuha ng tuwalya para punasan ang sarili. Ako naman, kinuha ko na ang cellphone ko para ipatugtog ang napili kong dance choreo.

"How's your day?"

Nilingon ko siya. "Okay lang. Hindi ka pumasok sa last class."

Umupo siya sa upuan ko. I paused my music and caught him smirking like an idiot. Parang tanga. "Bakit?" Lumapit ako sa kanya para batukan siya.

"Malapit na ang MASTS,"bulong niya. "Solo?"

Umiling ako.

"Nope," inabot ko iyong tumbler ko.

"Duo?" May laman ang naging ngisi niya.

Namilog ang mga mata ko. "Hoy! Hindi!"

Humalakhak siya. Hindi ako sanay sa ganiyan-ganiyan kaya 'wag siyang magkakamali. Sabi ko sa kanya, nasanay ako na may grupo. Hindi ako solo performer tulad niya!

Sinipa ko siya kaso hinuli niya iyong kamay ko dahilan para matigil ako.

"Huwag kang magkakamali!"

Pinipigilan niya ang tawa niya. "Oo na! Oo na!" Pero kahit anong gawin niyang pagpipigil, natatawa pa rin siya kaya sinusubukan ko siyang sapakin. "Iyong mukha mo, ganito oh," ginaya niya pa iyon kaya nasapak ko na talaga siya.

I rolled my eyes and went to the center. Seryoso na agad siya habang nakatingin sa akin. Kinagat niya ang dulo ng tuwalya niya at sinumulan ko na ang pagsasayaw.

Na-awkward pa nga ako dahil para siyang maestro sa likuran ko. Tinitingnan niya na para bang may sinusuri. Na para akong manikang gumagalaw na kahit pagkurap ay hindi niya kayang gawin.

Hindi ko siya pinansin. Mas napako ang tingin ko sa sarili na nasa salamin. I chose to dance the Run of BTS choreography na nakita ko lang din sa YouTube. May pumapasok na rin na iilang dancers na naghahanda na rin para sa routine nila.

Pagkatapos ng practice, inimbitahan ako ni Quen na samahan siya sa labas. Pumayag na ako kasi nagugutom na ako at sakto naman, nakita ko si Vito na napadaan lang sa admin building.

"Vito!"

Nilingon ako ng gago.

"Ash?" Ngumisi agad siya at lumapit sa akin. "Uuwi ka na?" Aakbayan niya sana ako kaso nakita niya si Quen sa likod ko.

"Bro," Quen greeted him. Tumango naman si Vito na halatang nahihiya pa dahil pinansin siya ng dance prodigy.

Kaya ako nalang ang umakbay sa kanya.

"Kain kami. Sama ka?"

Vito pouted. "Libre mo ba?"

Tinulak ko siya. "Hindi pa ako binibigyan ng extra allowance ni Kuya... kaya 'wag nalang pala," humalakhak ako.

His Midsummer Lies (Love Boundaries #3)- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon