Chapter 9
I flipped the last page of my PAES reviewer. Nakahalumbaba na ako at nilingon ang kabilang table. Nauuhaw ako pero ayoko na talagang mag-kape. Nagpapalpitate na kasi ako dahil hindi ko na makayanan ang tapang no'n. Tapos ang mahal pa!
Si Quen? Parang tangang nakangiti. Kanina pa siya sa kaka-cellphone niya. Pagkatapos naming mag two lapse sa question and answer, aabutin niya na naman ang cellphone niya tapos ngingiti na naman. Parang hindi naman pumunta ng Green Coffee para mag-aral, e. Landi lang ang ginawa niya.
"Gutom na ako," bulong ko. Crave ko rin ng isaw, e.
Quen didn't look at me, at least sumagot naman. Sumimangot na ako.
I rolled my eyes. Sa inis ko, hinablot ko na iyong phone niya kaya naalarma siya. Hindi nagtagal sa kamay ko iyon dahil nabawi niya pero alam kong busy siya sa ka-chat niya.
Tumaas ang kilay ko bago inayos ang cap.
"Kachat mo na?"
"Ako pa ba?" He smirked.
"Baka mamaya, wala ka nang masagot sa quiz kundi si Miss Heaven mo."
Ngumuso siya at sa wakas, binaba na ang cellphone. Kunwari pa siyang inabot ang reviewer niya pero umiling ako.
"Gutom na nga ako. Kain tayo sa labas... crispy fried chicken and isaw."
Quen looked at his smartwatch. "Jollibee nalang. Gusto mo naman pala ng fried chicken. I can order one bucket."
Tinampal ko siya.
"Isaw! Wala namang isaw sa Jollibee at saka, magtipid ka nga."
He smirked.
"Ash... nga pala, saan ba magandang lugar para makipag-date? Aayain ko sana si Heaven, e."
Kumunot ang noo ko. "T-Teka? MSU siya 'di ba? Pupunta siya dito?"
Proud siyang ngumisi sa akin. "Siyempre, susunduin ko naman. Pumayag na siyang maging date ko. Hindi naman siya lugi kasi pagpayag lang iyong kanya tapos effort na iyong akin.
"Oh?" Inayos ko nalang iyong mga papel. "Ano ba gusto niya? Mahilig ba siyang mag-unwind?"
He licked his lips. "Mahilig siya sa beach."
"Wala namang... beach dito, e. Kung meron man, natatago pa iyon at malayo. Wala akong marerecommend. Kung mahilig naman siya sa mountain escapades, try mo nalang sa Kapatagan."
"Ayoko roon, Ash. Masyadong malamig."
Sinamaan ko siya ng tingin. Humalakhak siya dahil alam niya na kaagad ang iniisip ko laban sa kanya.
"Kadiri kang manyakis ka," bato ko sa kanya ng lapis. Tumayo na ako at inayos ang pants ko. Tawang-tawa pa rin siya at inakbayan ako para makalabas na.
"Sa tingin mo... may spark kami?"
"Iyon lang ba ang hanap mo?" tanong ko.
He pushed the door for us. 6PM na pero maagang nabalot ng dilim ang kalangitan. Palipat-lipat ang mga ibon sa mga kable ng kuryente tapos may makakapal na usok na bumabalot sa kabilang banda ng kalsada dahil may ihawan na nangyayari. Nanubig din iyong bunganga ko dahil sa bango ng mga iniihaw.
"Jollibee nalang tayo, Ash."
I sighed. Dinungaw ko iyong paborito kong crispy stall pero tama si Quen, mas convenient kumain sa Jollibee pero nga lang, mas mapapamahal kami.
"Hindi naman iyon ang hanap ko," pagpapatuloy niya kanina. Siya na iyong nag-order, hinayaan ko nalang siya kasi gutom na rin ako. Wala akong ganang makipag-away kapag nagwawala na ang mga bulate sa tiyan ko.
BINABASA MO ANG
His Midsummer Lies (Love Boundaries #3)- COMPLETED
RomanceWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. "He loves black and I love white. He likes old school shoes and I like sneakers. He grooves and I jump. He used to be all-dancing man and I'm...