Epilogue (Part 4)

63 4 5
                                    

Trigger Warning: Death

"Condolence, Quen..."

Tumango ako. Diretso lang ang tingin ko sa mga bisitang sumisilip para lang masilayan siya.

I love you too

That was her last text to me.

JUSTICE FOR CHARISH COLEEN MONSUR!!!

Hustisya ngayon ang hangad ng pamilyang Monsur sa sinapit ng 25 anyos na dalagita na si Charish Coleen. Natagpuan sa masukal na lote ang katawan ng dalaga nitong Huwebes ng umaga na pinaghihinalaang ginahasa bago tuluyang pinatay.

Huling nakita ang biktima na lumalabas sa kanilang bahay. Ayon sa nakakita, napadaan daw ang dalaga sa grupo ng mga nag-iinuman bago ito tuluyang nawala. Patuloy ang imbestigasyon ng PNP sa krimen. Sa ngayon, tukoy na ang mga possibing salarin sa karumaldumal na krimen.

There's no hope for me. I wish I didn't read the news. I hope there's a miracle.

I received messages.

Calls.

Condolences.

No fucking way.

I can't even part my lips to say anything. I can't open my eyes... kasi takot akong harapin na baka hindi nga bangungot 'to. I can't even live after this... she's my hope-my last hope pero pati iyon ay kinuha sa akin.

"Ash, please..." I whispered. "You still need to hear how much I love you. You need to pass the board, right? Magre-review ka pa," tears suddenly betrayed me. "Please, baby... Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo."

Ang dami kong tanong sa kanya. She was covered with white cloth... no response at all. She was pale... and cold.

Why your both eyes were swollen? Did you cry?

What did they do to you? Did you suffer?

Gaano ka katagal nagtiis sa lamig at sakit sa bakanteng lote na 'yon?

Did you wait for me, love?

Nanginginig ang kamay ko habang inaalis ang nakatakip na tela sa mukha niya. Ilang segundo akong nabawian ng hininga. No... she's not dead. This is not happening.

Galit lang ang nararamdaman ko.

It was raining outside. Walang nagsasalita sa pamilya ni Ash. Lahat sila nagulat. Hindi pa nagpo-proseso ang nangyari.

Dali-dali akong naglakad palabas.

"I WILL DO EVERYTHING! JUST BRING HER BACK TO ME! I WILL DO EVERYTHING! BARTER EVERYTHING! JUST... BRING HER LIFE BACK AGAIN!" I screamed out of my lungs. I shouted badly... so that the devil's den could hear me. So that the heaven will open the gate to give Ash back to me. Please... just...

I need her.

I love her. So much. Ni hindi ko pa nasasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Kung paano niya binigyang liwanag ang buhay ko.

His Midsummer Lies (Love Boundaries #3)- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon