Asa pa

53 1 0
                                    

Chapter 12

My father begged for our forgiveness.

Just like other cheaters saying sorry... kasi nahuli.

Ang totoo ay takot siyang kasuklaman pero nagawa niya kaming lokohin... lalo na si Mama. Hindi ko maintindihan iyon. Ano bang kulang? Okay naman kami, ah? What happened? Ilang taon na ba kami niloloko ni Papa kung ganoon? Parang wala namang problema! Tahimik naman siya at... masaya naman sila ni Mama.

"Do you really think this will work, Papa?" si Kuya Janus.

Nagutay ang puso ko nang makita kong umiiyak si Papa sa harapan namin. His eyes glanced at me. Habang pumapatak ang mga luha niya, tinutugunan iyon ng galit ni Kuya. I gritted my teeth.

To see him bending his knees, namantal ang puso ko. Parang mahirap na nakikita siyang umiiyak pero parang mas mahirap ang patawarin siya kahit na...nagsisisi.

"Sana inisip mo 'yan bago ka naghanap ng iba!"

Hindi ko makayanan iyon. He deserves that. Kuya Janus showered him harsh words... Kaya mas pinili kong umalis ng bahay para matakasan ang nangyayari.

It wasn't the best idea pero...wala naman akong magagawa. Baka mas lalo ko lang kamuhian si Papa imbes na mapatawad siya.

"One, two and three," si Quen.

I slowly closed the door and put down my things. Nakapagpalit na ako ng damit at inilapag ang sapatos na gagamitin para sa practice. Mas maraming member ngayon dahil bukod sa may event, takot nang mabura sa list.

"Ash."

Nilingon ko si Master.

"Sandali lang." Inaayos ko pa ang sapatos ko nang maramdaman ko ang paglapit niya. Dinungaw ko siya at kinuha ang towel na nakapatong na ngayon sa bag ko.

"Pahiram," he chuckled. Masama na kasi ang tingin ko sa kanya.

I just rolled my eyes and went back to my business.

"Birthday na ni Tita sa makalawa."

Natigilan ako.

Shit?

Muntik ko nang makalimutan iyon!

"Ah, oo nga." Natawa pa ako. Buti nalang at naalala niya! Alam kong wala naman saysay pero nakalimutan ko!

He licked his lips and pouted. "Anong plano? May fiesta ba?"

Fiesta, e hindi nga umuuwi.

"Ang sabi ni Mommy... magluluto raw siya ng menudo para kay Tita. Nabanggit ko kasing paboritong putahe iyon ng mama mo."

Mapait akong natawa. Tumayo ako at sandaling nagpalaam sa kanya para mag-warm up. Ginawa ko iyong routine ko at kinalma ang sarili.

Naging takbuhan ko ang dance studio. Binabawi ko rin iyong mga absents ko kaya isang linggo rin akong tumambay at always present para naman walang masabi si Master na siyang ikakapahamak ng allowance ko. Nakatulong din kahit papaano ang pagiging busy kontra sa mga problema sa bahay.

Kuya Janus warned me about my grades. Lagi niyang sinasabi sa akin na huwag akong masyadong madrama—to make it short, ayaw niyang naapektuhan 'yong grades ko sa mga nangyayari. Na 'wag nang dumagdag sa pagiging mabigat.

"Walang handa si Mama," lumunok ako.

Nilingon ako ni Quen.

"Uh... busy?"

Umiling ako. "Hindi... umuwi si Mama."

Lumunok ulit ako, trying to swallow the lump in my throat. Siyempre, gulantang siya sa sinabi ko.

His Midsummer Lies (Love Boundaries #3)- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon