Awkward

62 3 3
                                    

Chapter 16

"Vito... 'wag. Galit iyan," hinatak ko si Vito pabalik sa upuan niya. Paano ba naman kasi, may plano siyang lapitan si Quen sa kabilang table.

"Bakit naman—"

"Ako na," tumayo na ako at kinuha ang plato ko. "Ako na muna. Baka bad trip talaga."

Litong-lito si Vito sa sinabi ko. Hinayaan ko nalang siya tapos lumipat na ako sa table ni Quen. Nakasimangot at hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Seryoso siyang kumakain tapos abala pa siya sa cellphone niya. Magkasalubong ang kilay na para bang... may problema.

"Huy," sinipa ko konti yung paa niya.

He didn't answer. Ngumunguya lang siya habang nagso-scroll.

"Sarap ng pagkain no? Masarap talaga magluto si tita."

Tumango siya.

Hinati ko iyong karne sa plato ko tapos tumingin ulit sa kanya. Mas lalong gumuhit ang iritasyon sa mukha niya sa 'di malamang dahilan. Napasubo tuloy ako sa kinakain ko kasi ngayon ko lang siya nakitang... nainis nang ganito.

"M-May problema ba? Gusto mo na bang umuwi?"

Tumingin siya sa akin. Yes!

"Bakit? Uuwi ka na rin ba?"

Ngumuso ako. "Hindi pa. Nagyayayang uminom sina Ponce, e. Gusto mo ba?"

Binalik niya ang atensyon niya sa cellphone. "They're not my friends."

"Pwede naman iyon! Teka, sasabihin ko—"

Nga lang, bigla niyang hinatak ang kamay ko para mapaupo ako. Galit na naman siya sa akin kaya naiirita kong inalis ang kamay niya sa kamay ko.

"Ano ba? Ano bang problema mo?"

Nakatingin lang siya sa mata ko at bahagyang kumalma. Alam niyang ako na 'tong iritado ngayon. Kinakausap ko siya nang matino, e! Inaayos ko nga tapos ganito pa siya?!

He sighed. Binalingan niya ang table nila Vito na nagtatawanan.

"May something sa inyo ni Vito?" tanong niya.

"Ano?"

"You two... kanina 'yong mama niya. Tapos ngayon, mga kaibigan niyo. So... you two," he pursed his lips. "Kayo ba? Baka 'di ko alam?"

Umirap ako. Tumayo ako at inabanduna ang upuan para tumabi sa kanya.

"Siraulo ka ba? Kilala mo iyan si Vito! Sabi ko sa iyo na magkaibigan lang talaga kami n'yan."

He rolled his eyes.

"Malay ko bang nagsisinungaling ka."

"Hindi kaya ako katulad mo. Kung may boyfriend ako, sasabihin ko sa iyo!"

Namilog ang mga mata niya at agad na hinawakan ang braso ko.

"So may plano ka na talagang magka-boyfriend?"

"H-Huh?"

Umigting ang panga niya. Natatawa ako kasi hinihigit niya ako papalapit sa kanya. Parang kulang ang distansya naming dalawa.

"What's funny? Akala ko ba... wala kang amor sa mga lalaki?"

Ngumuso ako habang dinungaw ang kamay niyang nakapatong na sa hita ko.

"Baka lang naman..."

He eyed on me. Hindi ata siya kumbinsido sa sinabi ko kaya tawang-tawa ako na mas lalo siyang nagagalit sa mga walang kwentang bagay. Parang tanga 'to.

"Tsss... 'wag kang maniwala sa mga lalaki. You're very innocent. Huwag kang magpapaloko."

"Oo naman!" Lumayo na ako sa kanya. "Nakikita ko kaya kung anong ginagawa mo sa mga babae mo. Katakot ng gano'n at saka... wala pa naman so far," natawa ako. "Pakiramdam ko nga... nagdududa na akong mararamdaman ko pa 'yon."

His Midsummer Lies (Love Boundaries #3)- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon