First Day

171 5 0
                                    

Chapter 1

"Santiago—two over twenty-five. Guerero—one over twenty-five. Monteverde, hmmm—five over twenty-five. Monsur, one over twenty-five," namamaos ang boses na sabi ng teacher namin dahil sa pasang-awa na score. Awit. Lakas maka mercy points.

Pinatong ko ang ulo ko sa table. First day pa nga, first quiz na agad. Ang mas masaklap pa, unang uno, bagsak pa!

Ganito ba talaga sa engineering?! Ang pangit kabonding ng score!

"Hindi ko na saulo ang basic calculus," bulong ng katabi ko.

Ako rin. Bilis ko atang nakalimot sa kahit anong calculus.

Halos lahat kami nakakuha ng mababang marka at ang mas nakakainis pa, hindi mapigilang ngumisi ng professor namin. Hindi ko alam kung natutuwa siya dahil bobong-bobo kami sa subject na lakas maka out of the world o talagang masayahin lang siya. Kakaiba 'yong ngiti! Lakas makapang-asar.

"Always expect that kind of score. Dito sa engineering, never aim to get high grades. Never expect too much. Pasado lang, okay ka na dapat. But, well, if you don't want to settle with 'dapat', dapat din talaga kayo mag-aral nang mabuti. You need to learn more," sabi ni Prof Ed.

Napakamot ako sa ulo ko. Sinuot ko ulit ang cap at humikab. Nagsilabasan iyong mga classmates ko habang ako, nagdesisyon na matulog nalang para kalimutan ang nangyari.

Isasapanaginip ko nalang iyong one over twenty-five ko.

Maya-maya pa, nagkagulo sa labas. Napatingin ako sa relo ko at fifteen minutes nalang, lunch na. Walang sumunod na professor kaya nagdesisyon na kaming bumaba para makapag-lunch sa labas.

Humaba ang nguso ko nang mapansin ang bagong group chat.

"Ash!"

Hayop na 'to. Akala ko ba sa Cor Jesu siya mag-aaral?

"Sabay na tayo mag-lunch!" Nag-apir pa kami ni Vito gaya nang nakaugalian.

"Bakit ka nandito? 'Di ba may scholarship ka sa CJC?"

He sighed. "Hindi kakayanin ni Mama kung tatlo kaming nandoon! Dito nalang... free tuition pa."

Tumango ako. Kung sabagay...

"Anong course?"

"BSIT," aniya at inakbayan ako.

"Good luck."

Natawa siya at sinikmuraan ako. Nahampas ko tuloy siya kasi medyo napalakas iyon!

"Ikaw din. Balita ko nag-engineering ka, ha! Tapang!"

Naalala ko tuloy iyong bagsak ko kanina.

"Alam mo ba kanina, unang meeting namin, ayun! Quiz agad! Unang bagsak sa unang taon, tang ina."

Humagalpak ng tawa si Vito kaya nahampas ko ulit. No'ng sinabi kong tungkol sa basic calculus iyong quiz namin, pinagtawanan lang ako ng gago. Palibhasa, matalino at kayang lumunok ng numbers.

"Ano bang ini-expect mo sa course mo? Deadliest course it is, Charish."

Sumimangot ako. "Ash nga kasi! Masyado namang girly iyang Charish!"

Hindi na namin namalayan na malapit na pala kami sa gate. Si Vito kasi, masyadong madaldal! May mga grupo ng mga estudyante na nagkukumpulan malapit sa isang tindahan. Niyaya agad ako ni Vito kumain ng pastil dahil bukod sa masarap, mura na.

"Libre kita," bulong niya.

"Bait mo ngayon, ha? Anong nakain natin? Masarap ulam niyo, no?"

"First day natin ngayon kaya natural lang na mabait ako," he smirked.

His Midsummer Lies (Love Boundaries #3)- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon