First Love

85 2 0
                                    

Chapter 3

"Umuulan pa rin ba sa labas?"

Quen glared at me. I smirked. Tinulak ko siya ng kaunti kasi ayan na naman siya sa kadramahan niya. Nagtampo kasi siya nang 'di ako pumayag na sumama sa kanya kanina.

"May payong ka?" Nakasunod na siya sa akin. Bumalik ako sa upuan ko habang siya, nakasimangot pa rin.

"Wala nga, e. Ikaw ba?"

"Tutunganga ba ako kung may dala akong payong?"

Hindi ako nagsalita. He sighed. Umupo siya sa harapan ko. Ugali niya iyan, magsusungit siya tapos tatahimik ako pero gagawa ng paraan para mapansin.

"Gusto ko ng samgyup," bulong niya.

"Wala akong pera. Laki na ng utang ko sa iyo."

"Hindi naman kita sinisingil," bulong niya habang nakaabang sa pagtila ng ulan. Kanina pa umalis si Sir Pocho pero 'di kami makaalis dahil sa lakas ng ulan.

"Ang utang ay utang."

Mas lalo siyang sumimangot. "Ah, talaga ba? Samahan mo nalang kaya ako sa practice mamaya? Hatid kita pauwi..."

Kinuha ko iyong yellow pad ko. Pinakita ko sa kanya iyong pasang-awa kong grades dahil hindi ako nakapag-review. Ayokong sisihin iyong routine ko pero fucked rin minsan ng study
routine ko. Dahil sa ginagabi na rin kami, napapagod na ako mag-aral.

"I'll help you."

Kinuha niya iyong 5 over 25 kong quiz. Natawa pa siya. Sinikmuraan ko na kasi palibhasa, 15 over 25 siya. Matalino kasi talaga siya, tamad nga lang.

"Paano mo na-derive iyong formula?"

"Tiwala sa katabi."

Ngumisi ako. "Gago."

Binalik niya na sa akin iyong papel ko.

"Kopya mo iyon lahat?"

Natawa na rin siya.

"Joke. Bawal kaya 'yon. Siyempre, trial and error. Natandaan ko lang iyong discussion ni Sir."

Naghiyawan ang mga classmate namin. Tumayo si Quen para makipagchismis kaya niligpit ko na ang mga gamit ko. Medyo humina na rin naman iyong ulan kaya tinawag ko na ang gago.

"Quen!"

Nilingon niya ako, ang laki pa ng ngisi dahil sa harutan nila ni Mark.

"Una na ako."

Lumingon siya sa labas. "Sabay na tayo." Bumalik siya sa upuan niya para kunin ang bag sabay paalam sa mga kausap niya.

"May practice?" tanong ko.

"Yeah pero... pwede naman na 'wag ka munang pumunta. You can study and uh... review."

Tumango ako.

Naghiwalay na kami ni Quen sa gym. Binati pa nga ako ng mga kasama namin kaya nakipagchikahan muna ako bago nagpaalam. Nag-text si Kuya na hihintayin niya ako sa Business Center kaya malaki agad ang ngiti ko dahil makakatipid ako ng pamasahe.

"Isaw?"

"Pwede. Basta libre mo?"

Tumaas ang kilay niya. "Ano pa nga ba?"

Bago kami pumara ng pedicab, kumain muna kami ni Kuya Janus ng isaw. Busog na busog nga ako nang dumating kami sa bahay. Naabutan namin si Mama na abala sa paghahanda ng ihahapunan namin.

"Maaga ka ata?" Nakataas ang kilay ni Mama nang makita ako sa harapan niya pagkatapos magmano.

"Review," sagot ko.

His Midsummer Lies (Love Boundaries #3)- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon